Facebook

Katrina at Shayne ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments

Ni BLESSIE K. CIRERA

MASAYANG ibinahagi ng StarStruck alumnae na sina Katrina Halili at Shayne Sava ang ilan sa kanilang mga karanasan tungkol sa dating at kalalakihan sa kanilang guest appearance sa Mars Pa More.

Sumabak ang dalawa sa nakakaaliw na larong ‘On The Spot’ na kailangan nilang kumpletuhin ang sentences na nagsisimula sa “Ang mga lalaki kasi…”

Natanong sina Katrina at Shayne kung ano ang ‘di nila malilimutang kilig moments. Pag-amin ni Shayne, “Siguro po nung sinabi rin sa’kin nung crush ko na crush niya rin ako.

Nahirapan namang alalahanin ni Katrina ang huling beses na siya ay kinilig dahil sa isang crush o manliligaw, “Mars, ang hirap naman ng mga tanong n’yo, mga lalaki. Wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado na sila.”

Sa huli, ikinuwento ng aktres na may isa raw pursigidong manliligaw na nakilala niya sa Boracay ang pinaka-naaalala niyang nagpakilig sa kaniya.

Samantala, kabilang si Shayne sa upcoming cultural drama series na ‘Legal Wives’ habang si Katrina naman ay mapapanood sa second season ng top-rating Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’

***

Victor Anastacio, paboritong barista sa Heartful Cafe

Kasama sa cast ng upcoming GTV romcom series na ‘Heartful Cafe’ ang Kapuso actor na si Victor Anastacio. Gaganap siya bilang si Roco, ang paboritong barista ng customers dahil sa kanyang pleasing personality at loyalty sa cafe.

Kuwento ni Victor, marami raw siyang natutunan sa nagdaang lock-in taping para sa show. Sa una man ay nanibago, aminado naman siyang na-enjoy niya ang panahon na kasama ang co-stars, “Nakakapanibago talaga, syempre ‘yung walang uwian. Focus ka lang sa kung ano bang kailangan mong gawin today, at gawin mo ng tama ‘yun, hindi lang sa taping kundi syempre sa pakikisama sa mga kasama mo sa lock-in taping. One day at a time, be sensitive to others at syempre makinig sa director sa co-actor, sa mga tao sa paligid.”

The post Katrina at Shayne ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Katrina at Shayne ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments Katrina at Shayne ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.