Facebook

Ibang klaseng VP si Leni Robredo

BUHAY NA BUHAY ang social media nitong nakalipas na linggo: Una, dahil sa pag-resched ni Pangulong Rody Duterte ng lingguhan niyang ‘Talk to the People’ at never heard sa ‘Araw ng Kagitingan’. At pangalawa, dahil sa ‘Bayanihan E-Konsulta’ ni VP Leni Robredo.

Maraming netizens ang sumabay sa hashtag na #NasaanAngPangulo. Dahil dalawang linggo na itong hindi nagpapakita—ang huling beses ay noong nag-report sa kaniya ang gabinete tungkol sa lagay ng COVID sa bansa. Ang suspetsa tuloy ng madlang pipol, walang nagtitimon sa gobyerno kaya nagkakaniya-kaniya nalang ang iba’t ibang departmento sa kanilang COVID response.

Dagdag pa rito, marami sa mga inaasahan nating dapat na namumuno sa atin sa panahon na ito, nawawala rin sa mata ng publiko: ang Defense Secretary, naka-isolate; ang Presidential Spokesman, naospital; ang Interior Secretary, matagal nang hindi nagpapakita; at marami pang missing-in-action na opisyal ng gobyerno. Lahat sila, may COVID—‘yung mismong sakit na sinusubukan nilang puksain. At dahil sila mismo nagkakasakit, nakakawalang- kumpiyansa ang kakayahan nilang maampat ang pagkalat ng virus sa mga komunidad natin.

Bilang Pilipino, hindi ko maiwasang mangamba at matakot dahil parang napakalayo pa natin sa dulo ng kalbaryong ito. Mismo!

Sa kabilang banda naman, nandiyan ang mga kuwento ng bagong programang handog ni VP Leni: ang Bayanihan E-Konsulta.

Ang ideya nito: Libreng konsulta sa doktor para sa mga tao na nangangailangan. Kahit sinong may cellphone at free data, puedeng mag-message sa Bayanihan E-Konsulta Facebook Page, kungsaan ikokonek siya ng OVP sa mga partner volunteer doctors para sa consultation. Maliban dito, ni-launch rin ng tanggapan ni VP Leni ang Swab Cab—isang mobile COVID testing initiative na dinadala sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID. Layunin nitong ma-test at agad na ma-isolate ang mga pasyenteng matukoy na positive.

Dagdag pa rito, namimigay din ang OVP ng libreng COVID Care Kits, naglalaman ng lahat ng kailangan ng pasyente sa dalawang linggo na naka-isolate kung mag-positive sa impeksyon. Sinasagot ng inisyatibang ito ang dalawang problema natin nga-yon pagdating sa pagkontrol ng virus sa bansa: una, ‘yung kakulangan ng mass testing; at pangalawa, ‘yung takot ng mga kababayan natin na ‘di sila makapagtrabaho kapag nag-positive sa COVID. Lahat ng inisyatibang ito, sabi nga ni VP Leni, ay karagdagang tulong ng kaniyang tanggapan sa mga programa ng gobyerno. Ito ang kontribusyon niya para maiangat ang buhay ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamong dala ng pandemya. Bravo!

Sa mga susunod na taon, isusulat sa kasaysayan natin ang panahon na ito bilang mga taon ng COVID-19 Pandemic sa Pi-lipinas sa ilalim ng Administrasyong Duterte. Aalalahanin ng mga tao ang mga ginawa ng administrasyong ito, pati na ang mga hindi nito nagawa. Babalik-balikan natin kung paano ang buhay sa kasagsagan ng krisis na ito.

Pero dahil sa ipinamalas niyang husay at determinasyon na makatulong, maaalala ng mga tao ang ginawa ng ating Bise Presidente. ‘Di tulad ng ibang administrasyon at mga pangalawang pangulo, bukod-tangi si VP Leni dahil sa mga solusyong inihahain niya sa mga problema natin ngayon. Sa oras na pinakakai-langan, nandoon siya; at hinding-hindi ito makakalimutan ng mga Pilipino.

Sabi ko nga sa nauna kong sinulat, ang pagkapanalo ni VP Leni noong 2016 ay patunay lang na nasa kaniya na ang mandatong kapantay ng pagiging Pangulo ng bansa. Pinakita sa atin ng krisis na ito na kung may malinaw na mandato at mga layunin, kayang mamuno ng Bise Presidente. Dahil sa kaniyang mandato at kakayahang mamuno, nakikita ko ang lalo pang pag-ariba ni VP Leni sa huling taon niya sa termino. At malay natin, kung magtuloy-tuloy ito, maiuupo siya sa puwesto kung saan maipapakita niya sa atin kung paano dapat mamuno ang isang lider ng bansa. Yes!

The post Ibang klaseng VP si Leni Robredo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ibang klaseng VP si Leni Robredo Ibang klaseng VP si Leni Robredo Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.