Facebook

BIFF bomb expert, timbog!

TIMBOG ang isang kasapi at eksperto sa paggawa ng bomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa search warrant operation ng tropa ng pamahalaan sa North Cotabato.
Kinilala ang nadakip na si Taoki Payapat alyas “Kumander Alvin” sa ilalim ng BIFF Karialan faction at nakatira sa Sitio Pedtubo, Barangay Langayen, Pikit, North Cotabato.
Isinilbi ng Joint Task Force Central at pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Lily Laquindanum ng Regional Trial Court, Branch 24 sa Midsayap, Cotabato, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa kanyang bahay.
Ayon sa ulat, sangkot ang suspek sa mga kasong pambobomba, multiple murder, multiple frustrated murder, robbery, arson, extortion, carnapping, kidnapping at land grabbing.
Nakuha sa loob ng bahay ni Payapat ang isang M16 armalite rifle, isang M14, isang M1 Garand rifle, dalawang 12 guage shotgun,isang kalibre.45 na pistola, isang.38 revolver, granada, Barret Sniper rifle, 2 IED, apat na motorsiklo, mga bala at mga magazine.

The post BIFF bomb expert, timbog! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BIFF bomb expert, timbog! BIFF bomb expert, timbog! Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.