Facebook

5 Koreano, 4 Pinoy sangkot sa cybercrime timbog sa Pampanga

ARESTADO ang limang Korean nationals at apat na Filipino na sangkot sa cybercrime ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkakahiwalay na operation sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, isinagawa ang operation ng mga elemento ng CIDG sa bisa ng 3 search warrants sa paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) na ipinalabas ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 117.
Sa unang operasyon, naaresto si Lee Sumgbo alias “Seven”, isang South Korean national, sa Pulu Amsic Subdivision sa Brgy. Amsic, Angeles City.
Naaresto naman ang ibang Koreans na sina Yoon Yoensu, Lee Junguk at Alyssa Lee, mga Pinoy na sina Maiko Natividad, John Patrick Gonzales, at Bong Garcia sa Luisa St. Hensonville Court Subdivision sa Brgy. Malabanias, Angeles City.
Nasamsam naman ng mga ototidad ang kahon ng iba’t ibang SIM cards, 14 computer units, 12 cellphones na mayroon nakakabit na improvised skimming device;1 bundle ng iba’t ibang uri ng cellphones, 1 kahon ng computer cables, 6 units ng internet devices; 1 external drive, 5 flash drives, 4 credit cards, at 24 notebooks na naglalaman ng mga account.
Habang sina Lee Jaehun at Song Gil Sung ay naaresto sa Block 16, Lot 20, Pulu Amsic Drive, Pulu Amsic Subdivision Brgy. Amsic.
Narekober ang 3 laptop computers, 2 tablets, 7 cellphones, iba’t ibang mini SD cards, USB connectors, 1 extension router, at computer monitor.
Nasa kustodiya ng CIDG Angeles ang nga suspek. (Mark Obleada)

The post 5 Koreano, 4 Pinoy sangkot sa cybercrime timbog sa Pampanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 Koreano, 4 Pinoy sangkot sa cybercrime timbog sa Pampanga 5 Koreano, 4 Pinoy sangkot sa cybercrime timbog sa Pampanga Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.