Facebook

Buntis nanungkit ng mangga, ni-rape ng mag-uuling

ARESTADO ang isang mag-uuling nang ireklamo ng panggagahasa ng buntis na nanunungkit ng bunga ng mangga, Lunes ng umaga sa Aklan.
Kinilala ang nadakip na si Dilgun Puod, 39 anyos, nakatira sa nasabing bayan.
Sa report, 10:00 ng umaga ng Lunes nang maganap ang insidente sa ilalim ng puno ng mangga sa isang barangay sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagtungo sa kanilang himpilan ang 25-anyos na biktima na itinago sa pangalan Nora, 2-buwan buntis, at nakatira sa nasabing bayan para pormal na magsampa ng kaso laban kay Puod.
Kuwento ni Nora, nanunungkit siya ng mangga nang bigla na lamang may yumakap sa kanyang likuran saka tinakpan ang bibig niya.
Ayon kay Nora, tinanggal ng suspek ang kayang pang-ibabang suot at inihiga sa ilalim ng puno saka siya ginahasa hanggang sa makaraos at iniwan ito na parang walang nangyari.
Umuwi ng bahay ang biktima at nagsumbong sa kanyang tiyuhin at sinamahan siya sa himpilan ng pulisya para ireklamo ng rape si Puod.
Sa himpilan ng pulisya, mariin na itinanggi ng suspek ang akusasyon.

The post Buntis nanungkit ng mangga, ni-rape ng mag-uuling appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Buntis nanungkit ng mangga, ni-rape ng mag-uuling Buntis nanungkit ng mangga, ni-rape ng mag-uuling Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.