Facebook

Takbong mayor sa 2022 election, tinumba

ISANG negosyante na consultant din sa ospital at tatakbong mayor sa kanyang bayan sa darating na halalan ang pinagbabaril Lunes ng gabi sa San Carlos city.
Kinilala ang biktima na si Marton Cui III, provincial consultant for hospital operations at vice president ng Emerald Corporation, residente ng Barangay Uno sa nasabing lungsod.
Sa report ng San Carlos City Police Station, 8:00 ng gabi nitong Lunes nang maganap ang krimen sa harap ng opisina ng biktima sa Emerald Arcade, FC Ledesma Ave., Brgy. 1 ng lalawigan.
Ayon sa ulat, binubuksan ng biktima ang nakaparadang sasakyan nito sa harap ng naturang gusali nang sumulpot ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima sa didbib saka mabilis na tumakas.
Isinugod pa sa San Carlos City Hospital si Cui subali’t binawian din ng buhay.
Sinisiyasat na ng mga otoridad ang CCTV footage sa lugar para matukoy ang salarin.
Nabatid na ang biktima ay kilalang major political operator at lider sa unang distrito sa probinsya. Sinasabing plano nitong tumakbo bilang alkalde sa bayan ng Toboso sa darating na May 2022 elections.

The post Takbong mayor sa 2022 election, tinumba appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Takbong mayor sa 2022 election, tinumba Takbong mayor sa 2022 election, tinumba Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.