Facebook

Sekyu ng subdivision niratrat sa guard house

PATAY ang ang isang guwardiya nang pagbabarilin sa loob ng Golden Ville 2 Subdivision, Barangay Sabang, Dasmarinas, Cavite, Lunes ng hatinggabi.
Kinilala ang biktima na si Rodolfo Jacobe Jr., nasa hustong gulang, pansamantalang nakatira sa naturang subsivision.
Sa salaysay ng asawa ng biktima na si Neafelia Jacobe na noo’y nasa guard house ng subdivision, pumasok sa loob ng subdivision ang sasakyan ng isa sa itinuturong mastermind sa krimen na si Ronaldo Pamindalan na residente sa lugar, at ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang dalawang lalaki at pinagbabaril ng malapitan ang guwardiya.
Agad tumakas ang mga salarin na naglakad lamang palayo.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay sanhi ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Itinuturong dahilan ng pamamaslang sa guwardiya ang pagiging private bodyguard nito sa nanalong presidente ng Home Owners Association election sa lugar, na tumalo kay Pamindalan, dahilan para magkaroon umano ng galit ang suspek sa biktima.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.
(Irine Gascon/Jose “Koi” Laura)

The post Sekyu ng subdivision niratrat sa guard house appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sekyu ng subdivision niratrat sa guard house Sekyu ng subdivision niratrat sa guard house Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.