Facebook

Killer ng Pulis-Maynila bulagta sa ‘warrant’

BULAGTA ang isang miyembro ng Tiatco organized crime group at wanted sa kasong murder nang manlaban sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang napatay na si Rommel Tiatco, nasa hustong gulang, ng 441 Inocencio St., Brgy. 93, Tondo.
Sa ulat mula sa Manila Special Mayors Reaction Team (SMaRT) sa pamumuno ni Lt Col. Rosalino Ibay Jr, nagsagawa ng joint operation 8:00 ng umaga nitong Martes upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Tiatco sa kasong pagpatay sa Pulis-Maynila na si SSg Dranreb Cipriano.
Inisyu ang warrant ni Judge Marivic Balisi Umali ng RTC Branch 20, Manila.
Ayon sa report, nagpaputok si Tiatco nang malamang may mga pulis sa paligid ng kanilang bahay kaya niresbakan siya ng mga operatiba.
Batay pa sa record ng korte, may kaso rin si Tiatco ng robbery hold-up, carnapping, basag kotse at drug pushing na nag-o-operate sa Maynila, Quezon City at Caloocan. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)

The post Killer ng Pulis-Maynila bulagta sa ‘warrant’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Killer ng Pulis-Maynila bulagta sa ‘warrant’ Killer ng Pulis-Maynila bulagta sa ‘warrant’ Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.