Facebook

Anne at Angel nag-donate ng tig-1M kay Mayor Vico para sa mga taga-Pasig

Ni GERRY OCAMPO

SIXTEEN days  naka-isolate ngayon si  Sunshine Cruz  dahil  nakaranas ng sintomas ng Covid-19. Makikita sa kanyang Instagram ang update ng kalagayan niya.

“Patience  is  definitely  a virtue. It  is  already a blessing  that  I am just  isolated  in the comfort  of  my home (most  are confined in hospital or Kalinga Centers).

“ I may not  see  the kids  but  hearing  and chatting  over  the phone  with them  makes me look forward  to seeing  and hugging these  princesses  of  mine  once  again.

“I  know I  am  on my way to recovery. Headache, body pain is now  more  tolerable, cough is not  as worst, my sense of  taste  and smell  have  improved. I  thank God everyday  for  I am slowly  getting better.”

Marami ang nagpaabot ng mensahe  kay Sunshine sa mabilis na paggaling at kasama na rito ang boyfriend na si Macky Mathay na nagsabi na, “In  time, I am just  here always. My (sunshinecruz718).”

***

AGAD na nagpasalamat  si Pasig Mayor Vico Sotto kina Anne Curtis at  Angel Locsin na nag-donate ng P1 million each. Iniwan ng dalawa ang check sa kanyang opisina kaya hindi sila nagkita-kita nang personal.

Sinabi ito ni Mayor Vico sa kanyang Facebook live na hindi sila nagkita-kita nina Anne at Angel dahil wala pa siya sa opisina nang dalhin ang check sa opisina.

Pinasalamatan ni Mayor sina Angel at Anne na nanguna sa Shop & Share program na naka-raise ng P6 million. Gagamitin ito para sa mga constituent sa Pasig na nangangailangan ng tulong kasama na rito ang pagbibigay ng bakuna.

Sa mga intrigero at Intrigera ay malabong gawan ng malisya o issue si Mayor Vico kina Anne at Angel.

Matatandaang nag-donate rin si Bea Alonzo at nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-pictorial  kaya binigyan kaagad ng isyu.

Pero malabo nga raw ma-link ang dalawa dahil sobrang dami ng trabaho ni Mayor kaya wala itong panahon sa kanyang lovelfe.

Samantalang  nasabi ni Mayor Vico ang tungkol sa mga nagpapadala sa kanya ng mga larawan  habang  nagpapabakuna sa puwet.

“Ang  dami  ko  na pong  iniisip, wag  ni`yo na pong idagdag yung puwet  ninyo sa iniisip ko, hahaha,” pakiusap nito.

***

SA latest  YouTube vlog ni Angeline Quinto ay masaya nitong ibinalita na tapos na ang 14 day quarantine  at  negative na siya sa Covid-19.

“First  time  kong  ipagpapasalamat  na Negative akong  tao!!!  My last  7 days of  battling the Covid-19  virus  end  with the grace of God and all  your  prayers. I am healed! Thank you so much sa pagsama sa akin  and hopefully  I can inspire everyone  that  with  the  right  frame of mind and faith  in the Lord we can  survive this disease,” pahayag ni Angeline sa description box.

Actually, pangalawang vlog na ito ni Angeline tungkol sa pakikipaglaban niya sa Covid-19. In-upload niya last week ang part 1 ng kanyang quarantine at ang part 2 naman ang natirang  last 7 days.

Kaaliw ang video call ni Angeline kay Kim Chiu na niyaya niya itong magkita sila dahil  inip na inip na siya sa kanyang bahay.

“Gusto mo puntahan kina ngayon,” say ni Angeline kay Kim.

Ang mabilis na sagot ni Kim, “Huh! Hindi, ah!”

Natawa si Angeline sa naging reaction ni Kim

Tinawagan din niya si Erik Santos at  same rin ang tanong niya kung puede silang magkita. Hindi naman agad ito nakasagot.

“Okey  na  `to,  nakakapag-usap naman tayo, malinaw naman ang signal,” say ni Erik.

Sinabi pa ng dating na-link kay Angeline na magpagaling  muna ito at kapag negative na kahit siya na ang pupunta sa bahay nito, “Lips  to  lips  agad,” say ni Erik.

Sa bandang huli ay ipinakita na ni Angeline ang negative result  ng kanyang swap test  at nagpasalamat sa lahat ng kaibigan, family, supporters na nagdasal para sa kanyang paggaling.

The post Anne at Angel nag-donate ng tig-1M kay Mayor Vico para sa mga taga-Pasig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anne at Angel nag-donate ng tig-1M kay Mayor Vico para sa mga taga-Pasig Anne at Angel nag-donate ng tig-1M kay Mayor Vico para sa mga taga-Pasig Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.