Facebook

Kim todo-deny na ikinasal na nang lihim kay Xian

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ni Kim Chiu ay may mga katanungan itong sinagot mula sa kanyang mga followers.

Itinanggi nito na gusto niyang maging Koreana at para ano pa raw eh Chinese naman siya na tumatak sa madlang pipol.

Kahit ang tanong na kung marunong itong mag drive eh hindi rin pinalagpas ni Kim.

Knows naman daw nito mag-drive katunayan na nag-long drive na anya siya kapag banas at inis at pangtanggal stress daw.

May fear nga raw si Kim sa basement kapag magpa-parking kaya mas feel at pinipili naman nito ay yung may valet parking dahil sila na ang magpa-parki ng kanyang sasakyan..

At isa pang sinagot nito ay true naman na nahirapan siyang pagsabayin ang career at studies dahil nung nanalo na ito sa PBB ay dumami na ang raket nito.

Naaalala pa nga ni Kim na Business Managent ang kurso nitong kinuha pero aminado itong nahihirapan sa kanyang kursong kinuha.

Dahil bibihira ang opportunities na dumating sa kanyang career kaya grab to death ito at sa UP pa nga nag-aral si Kim.

Matapang din nitong sinagot ang tanong kung ikinasal na ba sila nang lihim ni Xian Lim. Itinanggi naman ito ni Kim at pinabulaanang nagpakasal na sila ng bf.

The post Kim todo-deny na ikinasal na nang lihim kay Xian appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kim todo-deny na ikinasal na nang lihim kay Xian Kim todo-deny na ikinasal na nang lihim kay Xian Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.