Facebook

Sanya kinabog sa prank ng kuyang si Jak; Pauleen na-bash na ‘di na muli magkakaanak kay Bossing Vic

Ni WALLY PERALTA

PAHINGA na muna si Jak Roberto sa pagpa-prank sa girlfriend na si Barbie Forteza. Kung matatandaan halos kada buwan ay laman ng prank video ang blogsite ni Jak.

At para di naman makahalata nang tuluyan na nagiging paboritong prank subject na si Barbie ng boypren ay ang kapatid naman na si Sanya Lopez ang na-prank ng  hunk aktor.

Huli ni Jak ang weakness ng kapatid at madali itong mataranta kaya naisip niyang gamitin ang kotse ni Sanya kasabwat pa ang isang tauhan sa casa na gumagawa ng maintenance check ng sasakyan ni Sanya.

Sa paglabas nga ng aktres mula sa bahay nila ay nagtaka ito na wala ang kanyang car. Sa pagkalito ay humingi ng tulong sa kapatid para hanapin ang kanyang ‘nawawalang’ kotse.

Game naman inikot nila ni Sanya ang compound na tinitirhan at sa tuwing may makikitang katulad ng kanyang kotse ay angkin agad daw si Sanya, pero iba naman ang plate number.

Sa kawalan ng pag-asa ay niyaya ni Sanya ang kapatid mag-report sa pulisya. Hinadlangan ito ni Jak sa pagsasabing kailangan pa raw ng 24 hours na pagkawala ng sasakyan bago ito ipa-blotter sa himpilan ng pulisya na pinaniwalaan naman ni Sanya.

Sa huli ay niyaya ni Jak si Sanya sa casa para magbakasali na andun ang kanyang sasakyan. At nalaman na rin ni Sanya na prank video lang pala ito ng kapatid

Ani Sanya na sadyang palabiro ang kanyang kapatid kaya sakay na sakay na niya ang trip nito. At yan daw ang isang dahilan kung bakit hindi pa raw sila nagkakaroon ng matinding alitan o away na magkapatid.

***

HINDI talaga mawari ng asawa ni Bossing Vic Sotto na si Dabarkads Pauleen Luna-Sotto na maba-bash siya ng isang netizen sa mga litratong pinost niya sa kanyang social media account habang nag-eexercise.

Isang diretsahang ‘fake news’ ang naging tugon ni Pauleen sa basher na nag-comment ng ganito sa kanyang exercise photo:

“There are times kapag nakunan na dina uli nabubuntis.”

Sa naturang komento ng basher ay parang sinasabi niyang nagkaroon ng miscarriage  si Pauleen.

“Wag po paniwalaan na Fake News. Hindi po ako nakunan,” sagot ni Pauleen sa kanyang socmed account @pauleenlunasotto.

Maging ang maderaka ni Pauleen ay nagulat sa naging say ng naturang netizen at sinagot niya rin ito ng: “On the contrary, a woman is likely to get pregnant when she’s fit and healthy.”

Hindi naman ikinakaila na gusto pa rin ng mag-asawang Vic at Pauleen na masundan ang kanilang panganay na anak na si Baby Tali. Kinasal sina  Pauleen at Bossing Vic Sotto last January 2016 at the St. James The Great Parish Church in Alabang.

The post Sanya kinabog sa prank ng kuyang si Jak; Pauleen na-bash na ‘di na muli magkakaanak kay Bossing Vic appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sanya kinabog sa prank ng kuyang si Jak; Pauleen na-bash na ‘di na muli magkakaanak kay Bossing Vic Sanya kinabog sa prank ng kuyang si Jak; Pauleen na-bash na ‘di na muli magkakaanak kay Bossing Vic Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.