Facebook

Cloe Barreto pinabilib si Direk Joel Lamangan

Ni NONIE V. NICASIO

ISANG bagong mukha ang ilulunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 3:16 Media Networks sa psychological-sex-drama movie na Silab. Siya si Cloe Barreto na tubong Roxas, Oriental Mindoro at member ng all-female sing and dance group na Belladonnas.

Sa pelikulang Silab, si Cloe ay si Ana, isang babaeng may obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

Ayon sa dalaga, napakahirap ng ginampanan niyang role sa pelikulang ito.

Pakli ni Cloe, “Napaka-complex ng character ko sa pelikulang ito. Paiba-iba rin iyong emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos.”

Puring-puri ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula. “Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose noong nagsisimula siya sa pelikula,” papuri niya sa dalaga.

Masayang nabanggit naman ni Cloe na natuwa siya sa magandang feedback dahil parang hindi raw baguhan ang acting niya sa Silab. Aniya, “Sobra pong natuwa, na at least kahit paano ay napapansin ako. Pero ginawa ko po talaga yung best ko, so parang nakakataba po ng puso na makarinig ka ng mga comments na ganoon.”

Dalawa ang leading men ni Cloe sa pelikula, sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Isang babaeng wild ang karakter na ginampanan niya rito. Ipinahayag ni Cloe na mas daring at mas mainit ang love scene nila rito ni Marco.

Mas marami rin ba silang lampungan dito ni Marco kaysa kay Jason? “Opo, mas marami po yung kay Marco kaysa kay Jason,” nakangiting saad pa ni Cloe.

Kasama rin dito ang mga seasoned actresses na sina Chanda Romero at Lotlot de Leon. Bahagi rin ng movie sina Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

Ang Silab ay isinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-Ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, among others.

Bukod sa ganda ng script, direction, at superb acting ng cast, maganda rin ang cinematography ng pelikula.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ang aktres dahil planong isali sa mga international filmfest ang kanilang pelikula.

“Yes po, kinakabahan po ako… wish ko po na makapunta ako sa film festivals, sa mga ganoong award-award, sana po makapunta at magkatotoo iyon,” nakangiting sambit pa ni Cloe.

The post Cloe Barreto pinabilib si Direk Joel Lamangan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cloe Barreto pinabilib si Direk Joel Lamangan Cloe Barreto pinabilib si Direk Joel Lamangan Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.