Facebook

Mag-utol na Rayver at Rodjun sanib-pwersa sa negosyo

Ni ARCHIE LIAO

MARAMING pinakawalang rebelasyon si Bea Alonzo sa naging panayam sa kanya ni G3 San Diego.

Aniya, si John Lloyd Cruz daw ang una niyang kasawian pagdating sa pag-ibig.

Mahal daw niya ito pero hindi raw niya totally ma-define ang kanyang feelings dito.

Mula raw kasi sa pagiging faney, aminado siyang na-develop ang fondness niya sa actor nang maging love team sila at naging close.

Sa tanong naman kung posibleng maging sila ni John Lloyd, hindi raw niya isinasantabi ang posibilidad.

“Hindi ko sinasabing open ako, but I’m not married and he’s not married, so yeah. Pero sana hindi. It’s just going to be that unfulfilled love story,” sey niya.

Dahil sa pagbubunyag na ito, hinihimok ng mga faney na totohanin na o dalhin sa next level ni John Lloyd ang relasyon nito kay Bea, lalo pa’t pareho naman silang single.

Wala pa namang nagiging pahayag si Lloydie sa mga rebelasyon ni Bea bagama’t sa Facebook ng isang John Lloyd Cruz na hindi mo masabi kung poser o totoo ay naka-post ang mga hugot noon ni Bea sa paboritong screen partner.

Matatandaang dati nang idinenay ni John Lloyd Cruz na wala siyang Facebook account noon subalit muli na namang sumulpot ito na nagbibigay ng update tungkol sa mga ganap ng award-winning actor.

***

SANIB-puwersa sa negosyo ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz sa kanilang pinakabagong venture sa panahon ng pandemya.

Ito ay ang cruzfit.ph na nagbebenta ng mga hoodie at iba pang sportswear na swak sa mga healthy buffs at aficionados.

Goal ng kumpanya ang tulungan ang mga tao on how to keep fit kahit nakikipaglaban sila sa Covid-19.

Sa kabila ng lockdown, hindi naman hadlang ito para maapektuhan ang health regimen ng isang tao.

Bukod sa water-repellent na hoodies, meron din silang comfy at great-looking facemasks.

Katulong siyempre nila sa pag-eendorso at pagpro-promote nito ang entire Cruz clan tulad nina Tirso Cruz III, Sunshine Cruz at maging si Dianne Medina, misis ni Rodjun.

Maaalaalang naging usap-usapan si Rayver nang ipasilip nito ang kanyang pabolosong bachelor’s pad kamakailan.

The post Mag-utol na Rayver at Rodjun sanib-pwersa sa negosyo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-utol na Rayver at Rodjun sanib-pwersa sa negosyo Mag-utol na Rayver at Rodjun sanib-pwersa sa negosyo Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.