Kung kailan dumating ang bakuna laban sa Covid-19, saka naman dumagsa ang mga biktima ng nasabing virus
DATI ay bakuna ang hinihintay natin para panlaban sa covid19 eh ngayong nagdatingan na ang mga naturang bakuna saka naman dumagsa ang mga naging biktima nito.
Ano na nga ba ang kakulangan na dapat ipatupad ng ating gobyerno para sa kapakanan ng ating mga mamamayan na ngayon ay hirap at pasakit pa rin ang dinadanas.
Ilan mga kababayan na naman natin ang nawalan ng trabaho sanhi ng pagpapatupad muli ng Enhance Community Quarantine (ECQ), siyempre matic na naka lockdown na naman ang karamihan ng mga barangay at balik na naman ang unified curfew sa National Capital Region (NCR) at karatig, di po ba?
Paanong makakaporma at makakabangon muli ang mga Pinoy? Taliwas rin naman ang sinasabi nilang muling pagbubukas ng ekonomiya.
Sentido-komon naman, paanong magbubukas ang ekonomiya gayong sarado ang maraming barangay dahil sa lock-down na sinabayan pa ng unified curfew mula 6pm-5am, paano na iyon?
Marami na ang naguguluhan sa ginagawang palakad ng ating gobyerno na bigla-bigla na lamang nagbabagsak ng kung anu-anong polisiya na hindi naman yata angkop sa kasalukuyang problema.
Ang bakunang dati nating inaasahan ay dumating na ngunit sa pag-dating nito ay lalo pa yatang dumami ang mga biktima ng nasabing virus.
Sinusunod naman ng ating mga kababayan ang lahat ng mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at gayundin ang physical distancing.
Sa kabila ng lahat ng ito ay lalo pang lumalaki ang datos ng mga tinatamaan ng corona virus, saan na kaya ang mali at pagkukulang?
Lahat na yata ng brand ng mga bakuna na gawa pa sa ibat-ibang bansa ay dumating na ngunit wala pa ring pagbabago bagkus ay lalo pang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan.
Panahon na siguro upang sipatin ng mabuti ng ating gobyerno ang kanilang mga pinapatupad na wala rin namang naging silbi. Lalong naghirap si Juan de la Cruz na hindi na malaman kung kanino kakapit.
Sa kasalukuyan ay binaba na naman ang quarantine status sa NCR at karatig sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) na obligadong pagluluwag muli sa lahat ng aspeto.
Abangan na lang nating muli ang susunod na kabanatang dadanasin ng mga Pinoy sa ilalim ng MECQ dahil wala naman ibabg maa-apektuhan nito kundi ang mga indigent at mahihirap nating mamamayan, di po ba?
GOD WILL MAKE A WAY WHEN
THERE’S SEEMS TO BE NO WAY…
Sa panahon ngayon at sa kasalukuyang hirap na pinagdadaanan natin ay wala na ring ibang kakapitan pa ang ating mga kababayan kundi ang Poong Maykapal.
Kung bigo ang ating gobyerno sa pagsugpo sa covid19 na tila dumadami pa ang nagiging biktima, wala na rin silang sasandigan pa.
Ang mga ospital natin ay halos 99 porsiyento ng puno ng mga pasyenteng biktima ng covid19, ang mga health workers ay tina-tamaan na rin ang karamihan gayundin ang ating mga frontliners na ginawa na naman siguro ang lahat ng kanilang makakayanan.
Sa kabila ng lahat ng ito ay tila wala pa ring pagbabagong nadarama ang mga Pinoy, puro pa rin hirap, sakripisyo at pasakit.
Bukod sa kanilang kalusugang pinapangalagaan, nakakaramdam na rin ng gutom ang mga ito dahil sa kawalan ng trabaho at hanap-buhay. Ito ay sanhi ng pagsasara ng mga kompanya at negosyo.
Kahabag-habag ang piagdadaanan nila na walang iba kundi ang mga mahihirap at dukha nating mamamayan. Mga no work no pay, isang kahig, isang tuka.
Bunga marahil ito ng mga polisiya ng ating gobyerno na basta-basta na lang pinapatupad ng hindi na pinag-iisipan ang magiging kahinatnan.
Sa situwasyong ito ay wala na silang kakapitan pa nguni’t hindi nawawala ang kanilang pananampalataya sa Poong Maykapal.
Wait and watch lang tayo mga kapanalig dahil hindi niya tayo pababayaan at mananatiling nasa ating likuran.
Kung wala na talagang magagawa ang tao at gobyerno, siguradong siya na ang magpupuno ng lahat kung kaya’t pumirmis lang tayo dahil GOD WILL MAKE A WAY WHEN THERE’S SEEMS TO BE NO WAY.
The post Kung kailan dumating ang bakuna laban sa Covid-19, saka naman dumagsa ang mga biktima ng nasabing virus appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: