Facebook

Ligtas na ba tayo sa bakuna kontra Covid?

NAGPABAKUNA kontra Coronavirus disease (Covid), nahawaan parin ng virus.

Nagpaturok ng bakuna kontra Covid, namatay.

Mga nabakunahan ng AstraZeneca Vaccine kontra Covid, nagkaroon ng blood clot.

Ito ang mga balitang natunghayan natin matapos mabakunahan ng dalawang brand ng bakuna, Sinovac at AstraZeneca, na dinoneyt sa Pilipinas ng China at World Health Organization (WHO).

Dahil sa mga balitang ito na nakababahala, nagdadalawang-isip tayo ngayon kung magpabakuna pa. Kasi nga ‘di rin pala ligtas sa hawa ng virus kahit vaccinated na, delikado pang matigok kapag ‘di tanggap ng iyong katawan ang bisa ng bakuna. Let’s pray to the Lord nalang…

***

Dahil sa kawalan ng bakuna, marami ngayon nagsu-sulputang antivirals, mabisang panlaban daw sa Covid.

Ito ay ang Favipiravir, Arbidol at Ivermectin. Ginagamit na raw ito sa malalaking bansa tulad ng Japan, Russia, China at Amerika. Aprubado na raw ito ng Food and Drug Administration (FDA). Nirereseta na nga raw ito sa mga ospital.

Kung totoo ito, bakit ‘di pa ito gamitin sa mga pasyente ng Covid na nagsisiksikan na sa mga ospital? Mismo!

Para sa akin, mas safe na gamot kontra Covid ang pagmumog ng hot water with salt kapag nangangati ang lalamunan, uminom ng nilagang luya, mag-take ng paracetamol every 4 hours kapag may nararamdamang trangkaso dulot ng sipon at ubo at magpa-pawis at tiyak gagaan ang iyong pakiramdam. Let’s do it, folks!

Isa rin sa pangontra ko sa virus ay alak. Oo! May nabalitaan ba kayong lasenggo na tinablan ng Covid? Hehehe…

***

SABLAY ang pag-post ng mga larawan ni Pangulong Rody Duterte na naglalaro ng golf, nagmo-motorsiklo at nagdya-jogging sa compound ng Palasyo sa Malakanyang matapos hindi magpakita at magsalita sa publiko sa kanyang lingguhang ‘public address’ nung Lunes (Abril 5).

Hindi rin siya nagpakita at nagsalita manlang nung Araw ng Kagitingan, isa sa mga mahahalagang kasaysayan ng Pilipinas na taunang ginugunita ng lider ng bansa.

Tapos biglang lalabas sa social media ang larawan ni Duterte na naglalaro lang pala ng golf, nagmomotorsiklo at nagdya-jogging sa compound ng Palasyo.

Dyan lang pala siya sa Malakanyang, bakit hindi nagpapa-kita o nagbibigay manlang ng statement na: “Everything is alright. We’re on top of the situation.”

Obviously, may sakit si Pangulong Duterte. Yes! Lahat naman ay nagkakasakit lalo sa edad niya. Pero dapat maglabas siya ng statement para malaman ng mamamayan na okey pa siya, hindi iyong ipa-post sa social media ang larawan niya na naglalaro ng golf! Aba’y insulto ito sa mamamayang tuliro na sa Covid, tapos ang pangulo hindi nagpapakita, hindi nagsasalita, at pa-golf-golf lang sa halip na magplano kung paano makontrol ang pananalasa ng Covid sa bansa na higit isang taon nang under quarantine!

Dapat magsalita si Pangulong Duterte kung kaya niya pa pamunuan ang bansa. Kung hindi, gayahin niya ang ibang lider ng iba’t ibang bansa na nagre-resign para bigyang daan ang Bise Presidente na magpatakbo ng nasyon at magresolba sa mga kinakaharap na problema. Mismo!

Tulad ng Prime Minister ng Slovakia sa Russia, nagbitiw nang ‘di niya nasolusyunan ang pagkalat ng virus sa kanyang bansa. Ang Prime Minister ng Japan ay nag-resign din nung humina ang kanilang ekonomiya. Ito’y isang kabayanihan. Mismo!

The post Ligtas na ba tayo sa bakuna kontra Covid? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ligtas na ba tayo sa bakuna kontra Covid? Ligtas na ba tayo sa bakuna kontra Covid? Reviewed by misfitgympal on Abril 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.