Facebook

LLAMAS: PH KURASH ATHLETES MAS MALAKAS SA 31ST SEAG VIETNAM 2021

PUNTIRYA ni Kurash Sports Federation of the Philippines president Rolan Llamas ang impresibong kampanya ng kanyang mga pambatong atleta para sa parating na 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021 sa Disyembre.
Kumpiyansa si Llamas na mapaparisan o malagpasan ang 1-2-5 gold-silver-bronze na inani noong nakaraang 30th SEAGames Philippines 2019.
Sa kanyang mga tinuran sa nakaraang TOPS Usapang Sports On Air via zoom,optimistiko si Llamas na ang kanyang pinamumunuang national Kurash athletes ay ginawa ang lahat ng makakaya upang paghandaan ang bakbakan sa kabila ng mga restriksyon dahil sa krisis na dulot ng corona virus pandemic.
“Personally,I think we have a very good chance to win more medals this time.malaki ang tsansa na madagdagan iyon gold at silver medals na nakuha natin dati,” sambit ni Llamas sa lingguhang talakayan na suportado ng PSC,Pagcor at GAB.
Bagama’t limitado ang training ng mga contact sports tulad ng Kurash dahil sa pandemic, nakayanan ng national team nito na manatiling nasa kundisyon sa pamamagitan ng individual training.
Sinabi rin ng dating national judo coach na si Llamas na ang positibong pananaw ng koponan ay malaking tulong para sabayan ang mga hamon sa hinaharap na kumpetisyon.
Sa Vietnam, may tinanggal silang categories pero may na-retain pa naman na maganda ang resulta natin nung nakaraang SEAGames kaya mataas pa din ang morale ng mga atleta.”
Kabilang sa muling isasabak na Kurash national team sa biennial event na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi nina 30th SEAG womens gold medalist Estie Gay Liwanen, silver medalists Bianca Mae Estrella at Jennylou Mosqueda at bronze medalist Al Rolan Llamas.
“ Patuloy kaming naghahanap ng paraan para maka-resume ng training ang national team natin.Bagama’t may kakulangan tayo sa pondo,ang plano sana ay dalhin ang kanilang pagsasanay sa Baguio City o sa Clark sa Pampanga.Dun na yung bubble cup training”, ani pa Llamas.(Danny Simon)

The post LLAMAS: PH KURASH ATHLETES MAS MALAKAS SA 31ST SEAG VIETNAM 2021 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LLAMAS: PH KURASH ATHLETES MAS MALAKAS SA 31ST SEAG VIETNAM 2021 LLAMAS: PH KURASH ATHLETES MAS MALAKAS SA 31ST SEAG VIETNAM 2021 Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.