Facebook

PULIS NAGBARIL SA SARILI NANG MAPATAY ANG NAGDEMANDA NG RAPE AT EXTORTION

PATAY nang magbaril sa sarili ang isang pulis sa loob ng comfort room ng Regional Police Drug Enforcement Unit Office 9:00 ng gabi nitong Lunes sa Cebu City.
Sa ulat, kinitil ni Staff Sergeant Celso Colita ang kanyang buhay gamit ang .45 caliber na baril. Nangyari ang insidente ilang oras nang patayin ang isang babae sa Barangay Basak-Pardo, Cebu City.
Kinilala ang pinaslang na babae na si Ritchie Nepomuceno, 35 anyos.
Ayon sa report, dumulog si Nepomuceno sa Integrity Monitoring and Enhancement Group Visayas (IMEG-Visayas) para ireklamo ng rape at robbery si Colita at sampu pang pulis ng Sawang Calero Police Station.
Inimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng mga pangyayari, kabilang na ang pagkilala sa bumaril kay Nepomuceno.
Kung maaalala, maliban sa rape laban kay Colita, inireklamo rin ito at ang iba pang kasamahan niya ng extortion at grave threat nang hindi idinaan sa tamang proseso ang pagdakip kay Nepomuceno.
Batay sa alegasyon noon ni Nepomuceno, nagsagawa ng search operation for firearms si Colita at ang sampung kasamahan nito sa kanyang bahay sa Tungkil, Minglanilla na walang ipinakitang mga dokumento.
Sa isinagawang operasyon, wala nakitang baril ngunit kinuha ng mga operatiba ang ilan sa mga kagamitan na pagmamay-ari ni Nepomuceno kabilang na ang bag at ATM card. Tapos dinala nila si Nepomuceno sa Sawang Calero Police Station madaling araw ng Marso 10, 2021 at ‘iligal’ na kinulong.
Dagdag pa ng compalinant, dalawang beses siyang ni-rape ni Colita at hiningan ng pera na aabot sa P170,000.
Kaugnay nito, nasibak sa puwesto si Colita at ang sampung pulis at inilagay sa Police Regional Office (PRO-7) Holding Area Unit, at noong Marso 30 ay sinampahan ng criminal charges sa Cebu Provincial Prosecutor’s Office.

The post PULIS NAGBARIL SA SARILI NANG MAPATAY ANG NAGDEMANDA NG RAPE AT EXTORTION appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PULIS NAGBARIL SA SARILI NANG MAPATAY ANG NAGDEMANDA NG RAPE AT EXTORTION PULIS NAGBARIL SA SARILI NANG MAPATAY ANG NAGDEMANDA NG RAPE AT EXTORTION Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.