Facebook

3 patay sa barilan sa Pangasinan

TATLO ang nasawi sa insidente ng barilan sa Umingan, Pangasinan. Ang dalawa sa mga nasawi ay nadamay lang at naipit sa palitan ng mga putok.
Ayon kay Police Major Rodel Gabatin, hepe ng Umingan Police, isa sa mga sakay ng tricycle ang namatay sa area mismo. At iyong isa ay kukunin sana ang naipit na anak sa tricycle nang tinamaan din ng bala at nasawi.
Sinabi ng pamangkin ng isa sa mga biktima, pauwi na sila galing sa palengke nang mangyari ang barilan.
Napagitnaan daw sila ng putukan nang puntiryahin ng mga salarin ang target ng mga ito na nagawa rin makapagpaputok ng baril.
“Nagbarilan silang dalawa, talagang tutukan ‘yon. Kitang-kita ko ‘yun nasa sidecar ako,” sabi ng pamangkin ng biktima. “Sana magkaroon ng hustisya yung pagkamatay ng tita ko.”
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

The post 3 patay sa barilan sa Pangasinan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 patay sa barilan sa Pangasinan 3 patay sa barilan sa Pangasinan Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.