NAHAGIP ng CCTV ang paninimot ng isang grupo ng kababaihan sa mga laman ng isang community pantry sa Pasig City.
Makikita sa video na puno ang lamesa ng iba’t ibang uri ng pagkain sa Barangay Kapitolyo nang dumating ang grupo ng anim na babae na may mga dalang ecobag.
Kita sa video na pinalibutan ng mga babae ang lamesa habang kaniya-kaniya sila ng dampot sa mga nakalagay dito.
Huli rin sa camera ang isang malusog na babae na bitbit ang dalawang tray ng itlog.
Ilang saglit lang ay simot na ang laman ng mesa
“Wala na silang itinira eh,” ani Carla Quiogue, ang organizer ng nasabing community pantry.
Ayon pa kay Quiogue, biniro pa niya ang mga babae na sana pati mesa dinala na nila. Sagot daw ng mga babae ay ipamimigay nila sa mga kapitbahay nila ang kanilang mga kinuha.
Viral na ngayon ang CCTV video ang insidente.
“Gusto ko lang i-point sa kanya na ‘yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan,” sabi ni Quiogue.
(Gaynor Bonilla)
The post Grupo ng mga babae sinimot ang laman ng community pantry sa Pasig appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: