Facebook

Sekyu kulong sa pag-video sa pakikipagtalik sa ‘GRO’

ISABELA – Rehas na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang security guard matapos ireklamo ng “GRO” ang pagbi-video sa kanilang pagtatalik sa isang hotel Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Ang sekyu ay nakilalang si Raymund Calingcaling, 25, residente ng Bgy. Turod, Reina Mercedes, Isabela.
Ayon kay Police Lt. Col. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Cauayan City, nakatanggap sila ng tawag na mayroong nagwawala sa loob ng isang hotel na agad tinugunan ng pulisya.
Nang makarating sa hotel ang mga rumespondeng pulis, nakita sa labas ng kwarto ang nagwawalang sekyu at pinagmumura pa ang mga pulis. Nag-dirty finger pa ito sa mga awtoridad at pumalag nang arestuhin, subalit nagawa parin siyang posasan ng mga pulis.
Sa imbestigasyon ng pulisya, 8:40 ng gabi ng Lunes nang ilabas ng sekyu mula sa pinapasukan bar ang GRO na itinago sa pangalang “Jane” at nagcheck-in sila sa isang hotel sa Bgy Tagaran.
Habang nagtatalik ay napansin ng babae na nire-rekord ng lalaki ang kanilang ginagawa, dahilan para sitahin niya ito.
Nairita umano ang lalaki kaya’t hinawakan nito sa leeg ang babae, dahilan upang pumalag ang huli at nagkulong sa banyo ng kuwarto.
Pilit umanong binubuksan ng lalaki ang pintuan ng banyo kaya’t sumigaw ang babae na humingi ng tulong. Narinig ito ng staff ng motel at tumawag sa himpilan ng pulisya.
Nahaharap ang sekyu sa kasong ‘Alarm and Scandal, Physical Injury and Resistance and Disobedience upon an Agent of Person in Authority. (Rey Velasco)

The post Sekyu kulong sa pag-video sa pakikipagtalik sa ‘GRO’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sekyu kulong sa pag-video sa pakikipagtalik sa ‘GRO’ Sekyu kulong sa pag-video sa pakikipagtalik sa ‘GRO’ Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.