NAKAKARANAS ng harassment ang Grab driver sa nag-viral na “Lugaw is Not Essential” na video sa social media pati narin ang may-ari ng lugawan mismo sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Kaya nagpasaklolo na sa abogado ang Grab driver na si Marvin Ignacio at ang may-ari ng lugawan na Jane Ressurection. Dahil mismo sa mga tanod bayan ng Barangay Muzon sila nakakaranas ng harassment.
Ayon kay Ignacio, bago pa man nangyari ang kontrobersyal na video, madalas na silang mga Grab driver na sinisigawan ng mga taga-barangay kapag dumadaan sila sa lugar.
Nakakatanggap narin, aniya, siya ng pagbabanta sa kanyang messenger, bagay na kanyang labis na ikinakabahala baka maging ang kanyang pamilya ay madamay din.
Masyado na aniya silang naapektuhan ng pangyayari kaya napilitan narin sila ng kanyang pamilya na maghanap ng bagong tirahan at pansamantala ring huminto sa trabaho.
Sinabi naman ni Ressurection na napilitan nalang din sila na pansamantalang magsara bunsod ng nararanasan ding harassment mula sa mga taga-barangay.
Pinagbantaan din siya na hindi bibigyan ng permit para makapag benta at pahihirapan din, aniya.
Sinabi ni Atty. John Tipon na pinag-aaralan na nila ang ihahaing reklamo sa piskal laban sa pamunuan ng Barangay Muzon. (James de Jesus)
The post Grab driver sa ‘Lugaw is Not Essential’, hinaharas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: