MAS marami pang serbisyo ang ibinibigay ngayon ng Matatag Community Pantry sa Quezon City.
Hindi lang pagkain ang ibinibigay nilang serbisyo dahil mayroon din silang libreng HIV testing, mga condom at pagbibigay ng payo sa safe sex at violence against women.
Ayon kay Nica Dumlao, isa organizers ng pantry, ngayong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay mayroong mga partner na nakakulong lang sa bahay kaya kailangan parin silang maprotektahan.
Aniya, may nakita na siyang mga kababayan na kumuha na ng condoms kabilang na ang tricycle drivers at mga miyembro ng LGBT.
Kabilang din sa kanilang layunin ang mapigilan ang pagkalat ng HIV kaya naglagay na sila ng mga contact information ng mga taong tatawagan ng mga residente para sa free testing.
Inorganisa ang Matatag Community Pantry ng mga magkakaibigan na lahat ay advocates para sa mga kababaihan at LGBT rights.
Samantala, sa P. Noval Community Pantry sa Sampaloc, Manila, nasa 200 katao ang nakinabang nitong Martes sa mga pagkaing ibinahagi ng mamamayang may mabubuting kalooban.
Sinabi ni Toots Vergara, founder ng P. Noval Community Pantry, maaga pa lamang ay naubos na ang mga ibinahagi ng mga ordinaryong mamamayan ng Maynila na tulong.
Mayroon din aniyang nagbigay ng cash na pinambili rin nila ng mga pagkain para sa mga residenteng hikahos sa buhay.
Kasabay nito, may panawagan si Vergara sa lahat ng gustong magbigay ng kanilang tulong. (Boy Celario)
The post Condom at HIV testing isinama narin community pantry sa QC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: