KUNG food products ang libreng ipinamimigay sa mga COMMUNITY PANTRY sa iba’t ibang lugar ay sapatos at tsinelas naman ang ipinamudmod ng 2 negosyante sa kanilang mga kalugar sa itinuturing na SHOE CAPITAL ng ating bansa.
Yun nga lang ang ganitong malasakitan, sa halip na pasalamatan ng iba’t ibang sektor ang inisyatiba ng COMMUNITY PANTRY lalo na sa nagpasimuno nito na si ANA PATRICIA NON ng MAGINHAWA ST., UP DILIMAN, QUEZON CITY ay binatikos pa at inakusahang propaganda ng komunismo ang COMMUNITY PANTRY para pasamain ang imahe ng gobyerno. Ganun pa man, ang pambabatikos ay hinde nakaapekto sa mga pinagpalang personalidad at sa halip ay tinularan at sinuportahan ang pinasimulan ni MS. NON.., kaya ang resulta ay nagkaroon na ng COMMUNITY PANTRY sa iba’t ibang lugar sa ating bansa at maging sa ibang bansa ay tinularan ang ganitong pagmamalasakit sa mga kalugar.
Nitong nagdaang araw, ang 2 negosyante naman sa MARIKINA CITY na sina HESUS HEGUSMUNDO at ELISSE MONICA QUILBEN ay nag-organisa ng pamimigay ng mga sapatos at tsinelas sa mga residente ng DELA PAZ ST., BRGY. STO. NIÑO, MARIKINA CITY na mahigit 400 pares ang kanilang mga naipamahagi.
Ang mga sapatos at tsinelas na iba’t ibang sukat para sa panlalake’t pambabae ay tinatayang nagkakahalaga bawat pares mula sa P300 hanggang P500… na layunin nila ang makatulong at makapagbigay kasiyahan sa kanilang mga kalugar ngayong panahon ng pandemya.
Katuwiran ng mga negosyante na kaysa ma-stock lang ang mga sapatos at tsinelas ay minarapat nilang ipamigay na halos 20 minutos lang ang nagdaan ay naubos ang mga produktong kanilang inilatag sa mga lamesa.
Ang sapatos na gawang MARIKINA ay matitibay at ito ay inaangkat ng iba’ibang mga bansa, na nitong taong 2019 at taong 2009 ay halos nalimas ang pangkabuhayan ng mga MARIKIÑO dahil sa mga bagyong ULYSSES at ONDOY na nilubog ng tubig-baha ang halos kabuuan sa kanilang lungsod. Gayunman ay muling napasigla ng mga MARIKIÑO ang kanilang SHOE INDUSTRY lalo na nang maibalita ang isang matandang magsasapatos na pinuri ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE dahil sa niregalo nitong sapatos na akma sa paa nito gayung hinde naman siya sinukatan ng personal ng nasabing SHOE MAKER.
Isa lamang si TATAY OLY sa mga kinikilalang mahuhusay na MARIKEÑONG SHOE MAKERS at EXPORTERS.., kaya naman, ang MARIKINA CITY GOVERNMENT sa liderato ni MAYOR MARCY TEODORO katuwang ang TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA) ay magpapatayo ng paaralan para sa kursong SHOE MAKING.., kaya naman, mga ka-ARYA, sa sinumang gustong matuto sa paggawa ng QUALITY SHOES e mag-inquire na po kayo sa MARIKINA CITY HALL para malaman po ninyo ang mga detalye hinggil sa naturang kurso.
***
MGA RESIDENTENG PINALALAYAS SA CALOOCAN INASISTEHAN NG PCUP…
Kahit paano ay nakakaaninag na ng kapag-asahan ang mga residente ng PANGARAP VILLAGE, CALOOCAN CITY na matagal nang dumaranas ng harrassment at pangtataboy ng mga bumubuo ng CARMEL DEVELOPMENT INC (CDI) na umaangkin sa pagmamay-ari ng lupang dekadang mga taon nang pinamamalagian ng mga residente.
Mismong si PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) CHAIRMAN/CEO UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO ang lumiham nitong April 19 kay SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA na lakip nito ang kahilingan ng Komisyon gayundin ng mga residente ng PANGARAP VILLAGE sa posibilidad ng “cancellation of title and reversion” laban sa CDI.
Ang mga residente sa naturang lugar ay labis na nangangamba sa kanilang kaligtasan dahil sa mga umano’y panghaharas at panggigipit gayundin ang patuloy na demolisyon at pagpapaalis sa kanila mula sa kanilang mga tinitirhan.
Sa naging salaysay ng mga lider at ilang miyembro ng PANGARAP.., noon pa man ay naidulog na ang isyung ito sa OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL (OSG) at nabigyan na rin ng mga panimulang aksyon na muli itong inilalapit ngayon ng PCUP para agarang mabigyan ng nararapat at angkop na solusyon.
“Naniniwala po ang PCUP na malaki ang gampanin at maitutulong ng OSG sa pagresolba ng problemang ito lalo na’t sila ay kumakatawan sa gobyerno sa lahat ng pagpaparehistro ng lupa at mga kaugnay na paglilitis gayundin ay magtaguyod ng mga aksyon para sa pagbabalik sa gobyerno ng mga lupaing pampubliko”, pahayag ni USEC FELICIANO.
— 000 —
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Marikina shoes ipinamudmod! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: