Facebook

May itinatago ba sa pagbili ng COVID 19 vaccines?

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Buong pait na lumuluha si Hannah at taimtim na nanalangin kay Yahweh… `Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, kung papakinggan ninyo ang inyong abang lingkod at inyo pong kahahabagan, kung hindi ninyo ako pababayaan, sa halip ay pagkakalooban ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo at habang buhay na siya’y nakalaan sa inyo’…” (1 Samuel 1:10-11, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

MGA NETIZENS, NAGTATANONG NA SA TUNAY NA KATAYUAN NG PILIPINAS TUNGKOL SA COVID 19: Nagtungo ba sa Singapore si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio upang maturukan agad ng Covid 19 vaccine? Dapat pa bang nagbabangayan ang mga opisyales ng bansa sa isyu ng mga pagbabasbas at pagpapasinaya sa mga pagbubukas ng mga toldang magagamit sa gamutan ng Covid 19 virus?

Kung hindi sapat ang unang dose ng Sinopharm vaccine dahil kailangan talaga ng second dose, ano ang gagawin ng mga naunang naturukan nito ngayong walang katiyakan ang pagdating ng iba pang bakuna? At, ano ba ang dahilan at ayaw payagan ng gobyerno ang paggamit ng Ivermectin o iba pang gamot na sinasabing mabisa laban sa virus?

Ito ang mga nakakabahalang tanong na umiikot sa maraming mamayan ng Pilipinas ngayong mga araw na ito, tungkol pa din sa patuloy na kawalan ng katiyakan kung papaano lalabanan o papaano gagamutin ang virus ng Covid 19 na lalo pang nagiging makamandag, nakakahawa, at nakakamatay.

Marami na sa social media ang mga Pilipinong nagpapahayag ng kanilang dismaya, at galit naman sa maraming iba pa, na mahigit isang taon na ang nakakalipas ngunit ni hindi sumusulong ang anumang proyekto, mula sa gobyerno man o mula sa pribadong sektor.

***

GOBYERNO, HINIHINGAN NG PALIWANAG KUNG MAY NABILI NA BANG COVID 19 VACCINE O WALA PA SA NGAYON: Sa pananaw ng netizens, tila bigo ang pampubliko at pam-pribadong sektor upang tugunin ng maayos ang pananalasa ng Covid 19 virus, dahil hanggang ngayon, punto ng marami, wala pa ding nabibiling bakuna ang gobyerno bagamat bilyong piso na ang ipinapautang sa Pilipinas ng mga bansang mayayaman sa mundo.

Ikinagagalit na din ng mga netizens ang patuloy na pagbabawal ng gobyerno, sa pamamagitan ng mga health officials nito, ang paggamit sa mga gamot na sinasabing napatunayan ng epektibo sa paglaban sa Covid 19.

Tinutukoy ng mga netizens ang Ivermectin, at ang Fabunan anti-viral injection, na noon pa mang mag-umpisa ang pandemya noong 2020 ay isinusulong na, hindi na lamang ng mga gumawa ng mga gamot na ito, kundi maging ng maraming mamamayang Pilipino na nagpapatunay na nakatulong sa kanila ng malaki ang nasabing mga gamot.

Kinastigo din ng mga mamamayan ang Department of Health at ang Food and Drugs Administration dahil, sa loob ng isang taon, ni hindi nila sinuri kung may bisa nga ang mga gamot na ito.

***

MAY ITINATAGO BA SA MGA NEGOSASYON SA PAGBILI NG PILIPINAS NG COVID 19 VACCINES, TANONG NG NETIZENS: Sabi ng mga netizens, nag-iisip na tuloy ang marami sa Luzon, Visayas, at Mindanao, na ipinagpipilitan ng mga autoridad ang mga bakunang galing sa labas ng bansa, kahit na wala pa namang nabibili ang pilipinas sa mga ito hanggang sa ngayon, dahil sa personal na dahilan o kapakinabangan.

Nagtatanong ang mga netizens: kaya ba binabalewala ng mga opisyales sa kalusugan ang mga gamot na nagmumula sa mga lokal na manggagamot, o di kaya ay nagmumula sa mga gumagawa ng mga alternatibong gamot gaya ng Ivermectin, dahil walang pakinabang mapapala sa mga lokal na gamot na ito?

Nais ding malaman ng mga netizens kung ano ba ang mga kondisyones ng mga negosasyong pinapasok sa ngayon ng Pilipinas sa mga foreign drug manufacturers. Bakit di ipakita ang mga detalye ng mga negosasyong ito sa publiko upang mapanatag ang loob ng lahat na walang hocus-pocus sa mga transaksiyon?

Dagdag pa ng mga netizens, mukhang may itinatago sa mga negosasyon kaya’t bantulot ang mga opisyales ng gobyerno na sangkot sa mga negosasyong ito na maglabas ng mga detalye.

Nakikiusap ang mga mamamayang nag-uumpisa ng mabahala sa mga pangyayari na unahin na muna sana ng mga opisyales ang interest ng bayan, habang nananalasa pa ang pandemya.

***

PROBLEMANG LEGAL? REAKSIYON? 0947 553 4855, 0977 805 9058. EMAIL batasmauricio@yahoo.com.

The post May itinatago ba sa pagbili ng COVID 19 vaccines? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May itinatago ba sa pagbili ng COVID 19 vaccines? May itinatago ba sa pagbili ng COVID 19 vaccines? Reviewed by misfitgympal on Abril 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.