Uma-ARYA na ang mga nasa sirkulo ng mga MANUNUGAL para sa pagkakaisa at mapabilang ang kanilang hanay na maging isa sa mga kikilalaning PARTYLIST sa ating bansa.
Ito ang nasamyo ng mga malilikot na ARYA BUBUYOG mula sa iba’t ibang sultadang napapanood sa mga ONLINE GAMBLING OPERATION, na layuning makapagbigay umano ng alternatibong trabaho sa mga pangkaraniwang mamamayan partikular ngayong panahon ng pandemya.
Katunayan ay puspusan na ang JOB HIRING ng mga ONLINE GAMBLING para sa posisyong AGENT o mga TAGAPAGPATAYA… at nakalagay sa mga SOCIAL POST ay LEGIT NA LEGIT daw ang kanilang operasyon.., means may permit o tinanguan na sila ng PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATIONS (PAGCOR) kaya lantaran na sa SOCIAL MEDIA ang posts ng ONLINE SABONG at ng LOTTO LUCKY PICK 3 (LLP3)?
Inaantay ng ARYA ang official statement ng PAGCOR at ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) pero wala pang inilalabas na statement.
Bulong ng tsismosang ARYA BUBUYOG e sadyang pinatatahimik daw ang 2 ahensiya ng mga maiimpluwensiyang manipulador sa ONLINE GAMBLING MAFIA.., dahil nabulungan na rin daw ang mga koneksiyon sa MALACAÑANG na manahimik ang lahat at hayaang makapag-operate ang mga ONLINE GAMBLING… kasi kinakailangan daw ito para makaipon ng pondo na ipanglulustay sa nalalapit na PRESIDENTIAL ELECTION.
Ang sistema raw ng operasyon ay “WHAT YOU SEE, WHAT YOU HEAR…, LEAVE IT” or “DROP LIKE A LOG AND GIVE PUSH-UP 1,000 TIMES”.., na mahigpit na ipinaiiral bilang “GENERAL RULES” hehehe e sino nga ba ang babangga kung matataas na opisyal ang nagpapakilos para mabuo ang requirements sa pagpaparehistro sa COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) upang ganap na kilalaning PARTY LIST ng mga MANUNUGAL SA BANSA.
Sa nakaraang kolum ay mali pala ang info ng isa sa mga ARYA BUBUYOG na ipinatigil ang SMALL TOWN LOTTERY (STL) dahil hinde naman daw ito nagre-remit sa PCSO..,, kasi nitong nagdaang linggo ay naglabas ng advidory ang PCSO na mula noong April 12 hanggang sa April 30 ay suspendido ang operasyon ng LOTTO at ng STL sa mga lugar na nasasakop ng MODERATE ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (MECQ).., nakolekta na kaya ng PCSO ang mga dapat ini-remit noon ng STL?
Balik tayo sa paksa natin na ang mga manunugal ay bubuo na ng PARTY LIST ay hindeng-hinde raw ito mahaharang at ang pinapakilos daw para maging isa ring REPRESENTANTE sa KONGRESO ang samahan ng mga manunugal ay ang PHILIPPINE ONLINE LOTTO AGENT ASSOCIATION Inc (POLAI) katuwang ang isang radio station sa ating bansa? E, sino naman kaya ang mapagkakaisahang GAMBLING LORD na ipupuwesto bilang GL REPRESENTATIVE sa KONGRESO?
PAGING POLAI.., pakilinaw nga po ito kung totoo nga ba o sinisira lang ang inyong samahan?
***
Sa pagkakataong ito ay bigyang-espasyo naman po natin ang saloobin ng isa sa mga ARYA READER patungkol kay TEDDY CASIÑO…
Dear Sir Irwin: Kapansin-pansin ang pagiging aktibo ni Teddy Casiño sa Twitter at ang patutsada niya tungkol sa pandemya, pagtatanggol sa mga aktibista, pagtuligsa sa administrasyon at ngayon naman ay ang usapin sa West Philippine Sea.
Normal para sa isang Pilipino na maglabas ng saloobin patungkol sa pang-aagaw ng China sa ating nasasakupan. Hindi na ako magtataka kung panay ang reklamo ni Casiño at isinisisi ang lahat sa gobyerno, pero hindi ito nangangahulugan na nakatunganga lang ang pamahalaan sa aktibidad ng China. Hindi man napaalis ng Pinas ang lahat ng barko ng China, atleast naman mula sa mahigit 200 na barko bumaba na ito sa higit 40. Sana bawasan na ni Ka Teddy ang puro reklamo dahil walang napapapala sa kanya ang mamamayang Pilipino. Mahirap kasi ang panay salita, pero wala namang nagagawa.
From- Denver Alex Ambrocio.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Mga manunugal bubuo ng party-list? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: