Facebook

Isko, Honey, Dr. Martin, nanguna sa pagbabasbas ng GE Revolution EVO CT scan machine

PINANGUNAHAN nina Manila City Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) director Dr. Ted Martin ang pagbabasbas ng bagong GE Revolution EVO 128-Slice CT scan machine, Miyerkules, Abril 14.

Ang Japan-made CT scan machine ay binili ng Office of the Mayor bilang bahagi ng long-term plan na palakasin ang health services sa Lungsod ng Maynila.

“This is a very important machine for the hospital because many of the patients here do not have money to pay for CT scans. Usually, only those who have money can afford CT scans, but then CT scans are needed for proper diagnostics. This can increase the probability of patients surviving even in critical situations, ” ayon kay Moreno.

Ang bagong CT scan machine ay palalakasin ang kapasidad ng GABMMC na magkaloob ng libreng specialized health services sa mga mahihirap na pasyente. Ito ang pinaka- advanced na CT scan machine sa lahat ng district hospital sa lungsod . Nauna rito ang Sta. Ana Hospital at Ospital ng Maynila ay mayroong 25-slice capacity lamang.

Nabatid na ang CT scan machines ay napakinabangan ng husto sa panahon ng pandemya dahil natutukoy nito ang lung condition ng may COVID patients. Partikular na natutukoy ng CT scan ang pulmonary embolism na lumilitaw sa mga tinatamaan ng COVID.

Ayon kay Dr. Martin, kabilang sa mga katangian ng GE Revolution EVO 128-Slice CT scan machine ay ang mga sumusunod: “This machine can easily identify the following brain conditions like stroke, aneurysm, brain tumor, meningitis, encephalitis, COVID-related brain infection. Pati heart attack pwede n’ya malaman agad kung aatakihin ka. Kaya rin ma-detect nang maaga ang lung cancer, liver cancer, stomach cancer, intestinal cancer, at lahat nang klase ng bukol sa tiyan.”

Binanggit din ng alkalde ang iba pang plano upang higit na mapaunlad ang health services ng lungsod kabilang na ang pagbili ng mas marami pang ICU equipments para sa mga district hospitals.

Higit na mas mahalaga kaysa sa pagbili ng makabagong makinarya ay ang mabigyang proteksyon ang mga frontliners.

“No matter how much money we have, if we do not have medical frontliners then nothing works,” pahayag ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Isko, Honey, Dr. Martin, nanguna sa pagbabasbas ng GE Revolution EVO CT scan machine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko, Honey, Dr. Martin, nanguna sa pagbabasbas ng GE Revolution EVO CT scan machine Isko, Honey, Dr. Martin, nanguna sa pagbabasbas ng GE Revolution EVO CT scan machine Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.