Facebook

P149k shabu nasamsam sa Valenzuela

ARESTADO ang isang tulak ng iligal na droga nang makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ang naaresto na si Rico Acaso, 58 anyos, ng #65 San Jose Compound, Barangay Canumay West.
Sa report, 10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni LT Madregalejo ng buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakuha kay Acaso ang nasa 22 gramo ng iligal na droga na tinatayang nasa P149,600.00 ang halaga.
Nahaharap sa kasong R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.

The post P149k shabu nasamsam sa Valenzuela appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P149k shabu nasamsam sa Valenzuela P149k shabu nasamsam sa Valenzuela Reviewed by misfitgympal on Abril 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.