NAI-TURNOVER na nitong Martes ng Bureau of Customs (BoC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasabat na parcel na naglalaman ng mga iligal na droga na ipinuslit sa bansa kamakailan.
Nadiskubre sa isang warehouse sa Pasay City ang nasa 1,681 tableta ng ecstasy na itinago pa sa isang microwave. Galing sa Netherlands ang mga droga na nagkakahalaga ng P2.857 milyon.
Nadiskubre rin sa kahon ng mga laruan ang 133 gramo ng high grade marijuana o “kush” mula sa Amerika na tinatayang nagkakahalaga ng P159,600.
Umabot sa P3 milyon ang halaga ng 2 parcel ng droga.
Sinabi ng BoC na ipadadala sana ang nasabat na ecstacy sa isang taga-Quezon City, habang naka-consign naman ang kush sa isang taga-Pasay City.
Tinutugis na ang mga dawit sa pagpupuslit ng nasabing mga droga. (Gaynor Bonilla/Jojo Sadiwa)
The post P3m ecstacy at kush nasabat sa Pasay City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: