Facebook

Gobernador at Bise Gob. nagpositibo sa Covid-19, SP Member sa Nueva Vizcaya patay

NUEVA VIZCAYA – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang gobernador at bise gobernador, habang nasawi ang isang sangguniang panlalawigan member ng lalawigan dahil sa naturang mabagsik na virus.
Kinumpirma mismo ni Governor Carlos Padilla na kasalukuyan siyang naka-quarantine at nakakaranas ng mild symptoms.
Kasalukuyang isinasagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng ama ng lalawigan.
Samanatala, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Vice Governor Jose Tam-An Tomas, Sr., matapos rin siyang tamaan ng Covid-19 at kasalukuyang naka-quarantine.
Nauna namang napaulat ang pagkasawi ni SP member Dr. Cirilio Galindez, dating hepe ng Medical Center ng Veterans Regional Hospital na ngayon ay Region 2 Trauma and Medical Center ( R2TMC) ilang araw matapos magpositibo siya sa virus.
Samantala, sumasailalim narin ngayon sa home quarantine ang mga kawani ng provincial capitol at mahigpit na ipagbabawal ang pagsasagawa ng recreational activities hanggang sa April 11, 2021.
Isinailalim din sa tatlong araw na lockdown ang provincial capitol simula nitong Martes, Abril 7, dulot ng pagtaas pa ng kaso ng mga tinatamaan ng virus sa lalawigan
Nagsasagawa na ng disinfection activity sa gusali at ilan pang pasilidad sa capitol compound.(Rey Velasco)

The post Gobernador at Bise Gob. nagpositibo sa Covid-19, SP Member sa Nueva Vizcaya patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gobernador at Bise Gob. nagpositibo sa Covid-19, SP Member sa Nueva Vizcaya patay Gobernador at Bise Gob. nagpositibo sa Covid-19, SP Member sa Nueva Vizcaya patay Reviewed by misfitgympal on Abril 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.