Facebook

Paglaban sa pandemya ay isang responsibilidad ayon kay Gov. Dolor

DITO sumentro ang mensahe ni Governor Bonz Dolor, matapos isagawa ang unang bahagi ng “Consultative Meeting to Address the surge in Covid-19 cases in the province”.

Kinausap at hiningan ng puna at suhestyon ang mga konsernadong indibidwal mula sa “business sectors” ng lalawigan upang mas maging buo at sistematiko ang ipatutupad na mga guidelines sa susunod na linggo upang makontrol ang pagdami ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Pinakiusapan rin ni Gob. Bonz ang mga dumalong indibidwal na para-tingin sa kanilang konsernadong mga tanggapan ang hiling nito na ipa-antigen test ang mga empleyado ng bawat establisyemento upang maisiguro ang kaligtasan hindi lamang ng mga manggagawa kundi ng mga kostumer o mga taong nakakasalamuha na isa aniya sa pinaka epektibong paraan upang mapigilan ang pag kalat ng Covid-19.

Isinulong rin ng gobernador ang adhikain na pagtrabahuhin na lamang muna sa kani-kanilang mga bahay o Work From Home ang mga empleyadong nakararanas ng mga sintomas ng Covid-19 na mayroon pa ring karampatang bayad lalo na sa mga empleyadong mga “no work, no pay”.

Nakatakda namang pulungin ni Gob. Bonz at PA Dolor ang mga nasa Religious sectors at National Government Agencies ngayong hapon.

MGA REBELDE NA NAGBALIK LOOB SA PAMAHALAAN PINAGKALOOBAN NG FINANCIAL ASSISTANCE NI GOV. DOLOR

Samantala tumanggap nitong Abril 5 ng P65,000 mula kay Gov.Bonz Dolor bawat isa ang tatlong rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan bilang insentibo.
Ito ay kaugnay ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP na programang nagkakaloob ng paunang tulong sa mga dating rebelde upang makapagtayo ng sarili nilang hanapbuhay para makapagsimulang muli at makapagbagong-buhay.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Paglaban sa pandemya ay isang responsibilidad ayon kay Gov. Dolor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paglaban sa pandemya ay isang responsibilidad ayon kay Gov. Dolor Paglaban sa pandemya ay isang responsibilidad ayon kay Gov. Dolor Reviewed by misfitgympal on Abril 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.