Facebook

Lulubog-lilitaw

PINAGLALARUAN nina Rodrigo Duterte at Bong Go ang sambayanang Filipino. Biglang nawawala sa eksena si Duterte na walang paliwanag kahit anuman. Sasabihin ng utusan na si Bong Go na buhay. Segundahan ng pipitsuging Harry Roque na “malusog” at “walang sakit.” Walang katibayan maliban sa mga larawan na ikinalat ni Bong Go. Halatang photoshopped ang mga larawan na ibinigay sa media.

Nilibak ng naghahari-harian na si Bong Go ang bayan na naghahanap sa batugan. Kasalanan ninuman na hanapin si Duterte. Walang karapatan ang bayan na hanapin si Duterte na lulubog lilitaw sa nakalipas ng limang taon na panunungkulan. Hindi maitago na sakitin si Duterte. Ayaw nilang aminin kahit sa sinuman. Ayaw magbitiw kahit wala na sa katinuan ng pag-iisip at katawan si Duterte.

Marapat lamang kay Duterte ang magtrabaho at harapin ang suliranin sa gobyerno. Gampanan tungkulin at pamunuan ang bayan sa abot ng makakaya. Hindi kalutasan ang pagtakbo at pagtalikod sa mandando at responsibilidad sa bayan. Hindi solusyon ang pagiging iresponsable sa trabaho. Obligahin si Duterte na magtrabaho. Nakakatawa sapagkat hinihingi natin sa kanya ang isang bagay makalipas ang limang taon?

Hindi trabaho ni Bong Go ang dumikit kay Duterte. Bagaman kasapi siya sa Senado, nananatili siyang alila ni Duterte. Mas makapangyarihan siya sa ibang tauhan ni Duterte. Siya ang tagapagsalita at totoong sinapawan na niya si Harry Roque. Siya rin ang tagakuha ng mga larawan at nagpapatunay umano kung buhay pa si Duterte. Kaaba-abang trabaho, sa totoo lang.

***

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ni Richard Cambe, dating chief of staff ni Bong Revilla na kasangkot sa P10 bilyon iskandalo sa PDAF. Sinalo ni Cambe ang aktor at sa huli siya ang napatunayan na nakinabang sa iskandalo at nakulong. Namatay kamakailan si Cambe sa bilangguan dahil sa stroke.

Tinawag na “fall guy” si Cambe dahil sinalo niya ang mga sakdal ng pandarambong kay Bong Revilla. Iisa ang depensa ni Revilla: Walang nilagdaan sa mga kasunduan sa PDAF si Revilla at lahat na lagda ay pawang huwad. Sa huli, inako ni Cambe ang responsibilidad na naging dahilan upang siya ang makulong. Pinawalang sala ng Sandiganbayan Si Bong Revilla kahit iboliga siya na ibalik ang P124 milyon. Hindi pa ito naibabalik, ayon sa mga ulat.

Matinding aral ang ibinigay ng pagkakakulong at kamatayan ni Cambe. Huwag mangahas na saluhin ang sinuman dahil ito ang babalndra sa iyo. Sa huli, ikaw ang maysala at papasok sa piitan. Pinakamaganda ang lumayo sa kontrobersiya at sabihin ang katotohanan.

***

KINAPANAYAM kamakailan ng isang pahayagan sa Iloilo City si Sanny Trillanes. Kagyat natin iniulat ito sa aming social media account. Narito ang aming balita:

TRILLANES TO RECOMMEND GRACE POE
TO BE LENI’S VP BET IN 2022

Opposition leader Sonny Trillanes today claimed the political opposition has thrown its support on Vice President Leni Robredo to be its presidential candidate in 2022, but said, if she decides to accept the nomination, he would recommend Sen. Grace Poe to be her running mate to unite the political opposition forces.

Interviewed by radio host Rod Tecson over Iloilo Metropolitan Times Conversations, Trillanes said he would also make himself available in case the Vice President rejects Grace Poe, adding he would consider any overture to this end.
Trillanes said many democratic elements have blamed Grace Poe for the loss of presidential bet Mar Roxas in 2016, but claimed she has presented herself to be a good choice to unite what has been perceived as the “disunited opposition.” He did not say if Grace Poe still has the support of remnants of political forces, who supported her in 2016.
He did not say if Grace Poe would accept a vice presidential nomination, as she had rejected the same overtures in 2016 and chose to run instead for president to divide the votes between her and Mar Roxas.
Grace Poe was earlier reported she would not run for president in 2022, but said she would consider running for vice president without specifying under whom. She is one of the five names being considered by 1Sambayan, the coalition of opposition forces tasked to select the opposition candidate.
Trillanes said 1Samabayan has made clear that whoever is chosen as its president bet, he or she would be empowered to pick his running mate. Magdalo has decided to field him to run for a national position in 2022, but stressed the political situation is “very fluid” because of the national situation, he said.
He said he could run for president, only if the Vice President refuses to run for president, or if 1Sambayan, the opposition coalition chooses him. “Ang nangyayari sa atin sa pandemic ang magmumulat sa atin kung gaano ka importante na magaling, masipag, at may malasakit ang susunod na presidente, ani Trillanes.
He said money and popularity would not be the bases for choosing the next president, but stressed it should be competence and the willingness to serve the people.
Trillanes urged the Filipino people to reject those johnny-come-lately politicians, who were singing different songs to attack Duterte, but were his “enablers,” who supported his EJKS and big loans to prop up his regime. Trillanes urged the people not to support Duterte and his candidate in 2022, claiming he was a “big failure.”
***
MAGKAHALONG pangamba at pagkadismaya ang reaksyon ng mga netizen sa aming ulat. Inihayag nila ang kanilang matinding pagtutol kay Grace Poe dahil hinati niya ang boto ng puwersang demokratikong noong halalan ng 2016 at ito ang dahilan ng pagkatalo nilang dalawa ni Mar Roxas. Sinabi nila na kung tatakbo si Bise Presidente Leni Robredo, mas pinapaboran nila si Trillanes ang makatambal.
May mga netizen na nagsabing susuportahan nila ang sinuman pipiliin ni Leni bilang katambal.

Marahing pagpipilian at hindi lang si Grace Poe, anyon sa iba. Hindi sigurado kung mabubuo muli ang puwersa dahil trabaho ni Grace Poe ang humati ng puwersa.
***

MAY isa pang balita na halaw sa panayam ng Iloilo Metropolitan Times:

TRILLANES BLAMES DUTERTE
FOR PANDEMIC MESS

EX-SENATOR Sonny Trillanes today laid the blame squarely on the shoulders of Rodrigo Duterte, saying his failure to respond appropriately to its emergence has led to adverse consequences in which thousands of persons get infected daily.

“[Duterte] was given a year to meet the pandemic, but he slept on the job,” Trillanes told host Rod Tecson of the radio program Iloilo Metropolitan Times Conversations.

While saying mass vaccination is the “ultimate solution,” Trillanes said Duterte has yet to prepare and conduct a mass vaccination program.

Duterte did not conclude contracts with vaccine makers, Trillanes. He did remit commitment fees nor pay partial payment, which the vaccine makers asked last year.

“We’re among the last in the line of countries, which want to avail of the vaccines,” Trillanes said. Only those nations that have paid partial payments have been given the priority for procurement of the vaccine doses, he said.

Trillanes said Duterte did not move to strengthen the country’s health care system. He neither mobilized under-board nursing graduates nor took aggressive actions to provide PPEs and other equipment to the people, he said.

Trillanes said Duterte did not provide the leadership to meet the pandemic. “We’re in a crisis situation, but he is sleeping on the job,” Trillanes said.

Duterte has also put into position what he termed as “bosses,” who could not move to eradicate the pandemic, Trillanes said. Because Duterte is a “narcissist,” Duterte wants to be the center of everything, but he is nowhere to be found,” Trillanes said.

The post Lulubog-lilitaw appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lulubog-lilitaw Lulubog-lilitaw Reviewed by misfitgympal on Abril 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.