Resilience is distinct from mere survival, and more than mere endurance. Resilience is often endurance with direction. — Former Missouri governor Eric Robert Greitens
MARAMI talaga ang matitigas ang ulo sa ating mga Pinoy. Kahit alam nilang kumakalat pa ang Covid-19 at dumarami ang kaso ng mga tinatamaan nito ay hindi pa rin sumusunod ang karamihan—partikular na ang kababaihan–sa mga minimum health safety protocol, tulad ng pagsuot ng face mask at face shield at gayun din ang social distancing.
Kung tutuusin, hindi ang mga bagong variant ng coronavirus ang sanhi ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga impeksyon at transmisyon kundi ang pagiging pabaya ng ating mga kababayan kaya patuloy ang pagdami ng mga kaso ng Covid-19.
Kung ako ang pamahalaan, aalisin ko na lang ang pagpapatupad ng mga health protocol para libre nang makakagala ang mga tao nang hindi na nakasuot ng face mask at face shield at puwede na rin silang magdikit-dikit kahit may banta ng Covid. Kumbaga, para sa gustong walang mga protocol ay hindi na nila kailangan pang sumunod sa mga pagbabawal habang yaong ayaw magkasakit ay patuloy na lang silang mag-iingat at susunod sa mga payo ng mga health expert.
Dangan nga lang ay hindi na puwedeng sisihin ang gobyerno kung magkakasakit ang sinumang hindi magsusuot face mask o face shield at susunod sa physical distancing.
Sa ganitong paraan ang magiging ‘rule’ ay “matira ang matibay.”
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Matira’ng Matibay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: