Facebook

Nakakalungkot

TUNAY na pinabayaan na si Mang Juan Pasan Krus ng kasalukuyang pamahalaan sa lahat ng laban nito mula sa C-19, hanggang sa kabuhayan. Patuloy ang pagdami ng mga obrerong nawalan ng hanapbuhay mula ng ideklara ang unang luckdown (malas eh) at patuloy ang kawalan ng hanapbuhay sa muling pagdedeklara ng lockdown kontra pandemya Makalipas ang isang taon patuloy na walang laya ang mga tao, lalo na sa National Capital Region at mga karatig lalawigan na napasailalim ng ECQ.

Sa gitna nito patuloy ang paglobo ng nagkakaroon ng pandemya sa dahil sa kawalan at kapabayaan ng kasalukuyang pamahalaan. Talagang walang swerte si Mang Juan sa napiling lider ng bansa na mamuno dito. Ang masakit, hindi kinakitaan ng pag-aalala ang lider ng pamahalaang ito sa nangyayari at nakuha pa nitong lumiban at atasan ang mga alipores nito na sigurihing maiibsan ang kalagayan ni Mang Juan.

Subalit, mukhang natulad na sa katamaran ni Totoy Kulambo ang mga alipores nito na nawala na rin sa eksena o sa mismong laban. Sino-sino man sila subalit iisa ang alibi ng mga ito, may C19 at kailangan mag quarantine.

Napakaraming taga NCR ang nagkakaroon ng pandemya at talagang punong-puno na ang mga pribado at pampublikong hospital sa mga pasyente na talaga namang nagkandamatay na sa mga emergency room. Hindi pa kasama rito ang maraming hindi pasyenteng hindi na umaabot sa ER at hindi na nabigyan ng kaukulang pagtingin ng mga doktor. Sa dami ng may mga pandemya, kitang-kita na natin ang pagbagsak ng healthcare system sa NCR.

Ang mga sakit na walang kinalaman sa pandemya’y hindi narin nadadala sa mga pagamutan dahil hindi na rin mabigyan lunas. At sa mga may pandemya, marami ang nagtutungo na sa mga lalawigan upang doon humanap ng mga hospital na pwedeng tumanggap at gumamot sa kanilang sakit. Nariyan ang pagamutan mula Region 1, 2, at 3 na punong-puno na rin ng mga pasyenteng mula sa NCR.

May mga pagkakataon pa na hindi na ito tumatanggap ng mga C19 cases na galing ng NCR upang ilaan sa mga nagkakasakit nilang kababayan. Sa Region 4, may ilan hospital na ang humihingi ng pang-unawa sa hindi nila matanggap na mga pasyente dahil sa kapunuan, lubhang nakakalungkot ang kalagayan ng ating mga kababayang nagkakasakit sa pandemya.

Sa totoo lang, ramdam na ang paglapit ng pandemya sa atin at parang kumakatok na ito sa ating pintuan. Ilang kaibigan na ang aking alam na pumanaw ng hindi man lang naharap ng mga doktor sa mga pinuntahan nitong mga pagamutan dahil sa haba ng pila sa pareho nilang karamdaman. Nariyan na mababangit sa iyo na hindi na umabot dahil walang hospital na gustong tumanggap kahit pansamantala at isalang sa mga oxygen ay hindi na mapagbigyan.

Tumitigil na lang ang paghinga at idedeklara na pumanaw na. Ito ang kalakaran sa mga pagamutan sa NCR, hindi pa dito bilang ang maraming mga health workers na tinatamaan ng sakit pati ang mga mismong pamilya nito. At ang nakakalungkot hindi na makakatanggap ng tamang pagtingin ang mga HW at pamilya sa mga pagamutan na kanilang pinaglilingkuran. May mga health workers na may pandemya na hindi mailagay sa mga kwarto, sa kadahilanan na walang mapaglagyan at tinitiis ang sakit at naghihintay kung kakayanin ng naturalesa o lilisin na rin tulad ng marami nating kababayan. Nakakalungkot na ang mismong mga bayani nati’y pinabayaan ng gobyerno ito.

Walang ibang babangitan ng sisi sa kalagayang ito ni Mang Juan, kung hindi ang tamad at tutulog-tulog na si Totoy Kulambo. Sa pagharap sa mga krisis ng bayan, hindi ito nagpakita ng malasakit sa gitna ng paghihirap ng mamamayang Pilipino. Ang gerang kinakaharap nati’y may kaselangan at ang tuwirang pagharap nito ang kinakailangan upang maibsan ang sakit ni Mang Juan, subalit nasaan ang tamad, wala.

Sa gitna ng krisis walang lider ang tumatayo at humaharap sa taong bayan upang ipaliwanag ang larawan ng kasalukuyang kalagayan. Ang usapin nga ng WPS, walang komento ang tamad at nang magbigay ang kalihim ng tanggulang bansa ng pahayag laban sa Tsina, bigla itong lumabas at nagbigay ng sariling pahayag .

Ang masakit nito, biglang nagpositibo ang kalihim sa C19. Di ba, parang tsubibo lang na nilalaro ang usapin upang makaiwas sa mga masinsin na mga mata ni Mang Juan. At ang palabas na ito na naglulutang ng kung ano-anong isyu upang ipantapal sa mga usapin na dapat pagtuunan para kay Mang Juan. At kagyat na mawawala sa eksena ang kalihim na nakakasakit sa kaibigang singkit.

Ang usaping pangkalusugan at ang mga tugon dito’y tunay na kulang. Hindi malaman ni Mang Juan saan dadalhin at kukuha ng pantustos para sa anak na may sakit na talagang inaagaw ang buhay sa kawalan ng tamang kilos ng pamahalaang ito. Nakakalungkot, maging ang sektor ng kalusuga’y nagkakahati-hati dahil sa kawalan ng komprehensibong plano at kilos na dapat sundin dagdag pa ang matinding korapsyan na talagang ‘di malaman saan napunta ang mga salaping inutang.

Gumagalaw na ang mga pribado kompanya at mga LGUs upang itulak ang bakuna, subalit hindi ito sapat upang masabi na gumagalaw na ang programa para sa bakuna na siyang tanging sagot ng pamahalaan laban sa pandemya. Hanggang sa kasalukuyan hindi bumababa ang bakunang hindi malaman kung saan manggagaling o talagang naka programa ito para sa SINOVAC na ibig ni Totoy Kulambo?

Ang programa ba’y hindi pagpigil sa pagdami ng may C19 hangat abutin ang rurok na ang lahat ng Pilipino’y pumayag na sa bakuna ng Tsina? Ang pagyuko ba ng Luzon bilang Imperial Manila’y sa mga taga Mindanao ang isa sa pinaka nanais ng IDG?

Ang katuwirang buhay muna bago ang prinsipyo ang nais abutin at sa pagkakataong ito na ang pinaka sentro ng komersyo ng bansa’y halos inaabot na ang ganitong kalagayan. Sa tulong ng mga trolls at media na malapit kay TK, hindi malayo na ang layunin nilang mapilit sa mga tao ang bakung Tsina’y malapit ng maisakatuparan.

At nakahanda na ang mga Tsekwa na pasukin este ipasok ang bakuna sa utos ng tamad, taksil at walang malasakit sa Pilipino na si Totoy Kulambo, talagang nakakalungkot at nakakapansisi ang pagkakaluklok nito sa pwesto.

Maraming Salamat po!!!

***

Facebook: https://ift.tt/3s2BZJJ

The post Nakakalungkot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nakakalungkot Nakakalungkot Reviewed by misfitgympal on Abril 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.