Facebook

2 barko nagbanggaan sa Cavite

NAGBANGGAAN ang oil tanker at bulk carrier, kapwa dayuhang barko, Miyerkoles ng gabi sa Cavite City.
Ayon sa Philippine Coast Guard, wala pang nakikitang oil spill mula sa motor tanker na Rich Rainbow na nakabanggang ng bulk carrier Ivy Alliance.
Nabatid na nakarehistro ang motor tanker sa ilalim ng flag ng Thailand na kargado ng gasolina, habang nakarehistro ang bulk carrier sa ilalim ng Marshal Islands na kargado ng coal.
Paalis na ang motor tanker patungong China, habang papasok ng Pilipinas ang bulk carrier mula Indonesia.
Sa ulat, 9:50 ng gabi nitong Miyerkules nang makatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Cavite kaugnay sa insidente at agad na ipinadala ang response team mula sa Coast Guard Sub-Station Cavite City, Coast Guard Sub-Stations Noveleta at Kawit para sa kaukulang tulong.
Agad ding idineploy ni Commodore Leovigildo C Panopio, Commander ng PCG District National Capital Region – Central Luzon (NCR – CL), ang mga tauhan nito mula Coast Guard Station Manila, gayundin ang Special Operations Group (SOG) at Marine Environmental Protection Unit (MEPU) mula PCG District NCR- CL lulan ng BRP Malabrigo (MRRV-4402) upang masiguro ang kaligtasan ng mga crew at panganganalap ng iba pang impormasyon sa banggaan.
Habang hinihintay ang marine protests na isasampa ng concerned shipping companies, ang Coast Guard Station Cavite ay nagsasagawa na ng kinakailangang paghahanda para sa pagkakaroon ng technical experts na magsasagawa ng marine casualty investigation.
Maglalabas din ang Port State Control (PSC) ng notice of detention para sa dalawang foreign vessels alinsunod sa pagsisiyasat at imbestigasyon.
Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Armand Balilo, ligtas ang lahat ng crew na sakay ng dalawang barko.
(Jocelyn Domenden/ Koi Laura)

The post 2 barko nagbanggaan sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 barko nagbanggaan sa Cavite 2 barko nagbanggaan sa Cavite Reviewed by misfitgympal on Abril 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.