TULAD ng inaasahan, atras muna ang Season 46 opening ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA). Mula sa unang petsang Abril 9, Bataan Day o Araw ng Kagitingan, inasahan sanang sa Abril 11 itobubuksan pero inabot muli ng problema sa pandemic.
Idineklarang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at ilang piling karatig-lugar bago mag-Holy Week, Marso 22-April 4, pero extended hanggang April 11 kayasapol pa rin ang PBA opening. From first time moved date na April 18, di pa ngayon sure, depende sa usad ng Covid 19 reports kung pasok pa ngayong Abril o sa Mayo ngayong taon.
Possible lang sanang magbukas sa isang full bubble set-up pero ayaw na ng management sa bubble. Tumataginting na Php 70 M pala ang ginastos ng PBA nang bunuin ang nagdaang PBA Bubble Season 45 paramatuloy ang apektadong liga sa kasagsagan ng pandemya. Sa Clark Pampanga idinaos ang bubble kaya sobrang nahirapan ang players, coaches, staff at officials dahil kinailangang manatili sa Clark atsakripisyo ang malayo nang matagal sa kani-kanilang pamilya in consideration and compliance to protocols. Isang conference lang, Philippine Cup ang bubble na inabot ng 4 months kaya dusa ang kapalit.
By the way, sa laudable effort and determination ni Commissioner WILLY MARCIAL na maituloy pa rin ang Season 45 last year sa kasagsagan ng biglang sulpot na pandemya, ipinagkaloob sa kanya ng PBA PRESS CORPS ang Executive of the Year Award. Congrats po!
MAY MALI SA COVID REPORTS?
SAMANTALANG apektado lahat, nakagugulo ang contradicting reports abut Covid cases na hanggang sa social media ay nagkalat naang bashers ng Department of Health (DOH) at hospitals.
Bakit nga ba sumirit sa pinakamataas na 12k cases isang araw lang ang reports lately kung kai-lan mahigpit? Tambak din daw ang irregularities sa sistema dahil lahat ng sakit na ina-admit sahospitals ay tagged as Covid patients, pati mga manganganak. Kung hindi raw payag na ilista bilang Covid- positive patient, hindi pwedepa-admit. Sakit sa puso, diabetes, asthma, accident injuries, et al ay counted Covid case, especially pag hirap huminga.
Kung iisipin po, ngayong summer tulad ng mga nagdaang taon, nagkalat ang sipon, ubo, trangkaso, heat stroke at iba pang dulot ng sobrang init pero dati na ang ganyang scenario. Habang patuloy at pabalik-balik ang ECQ, GCQ atbp sanhi ng Covid issue, paano na si Juan dela Cruz? Mahigit isang taon na po tayong namumuhay na talo pa ang Martial Law dahil sa sobrang higpit sa protocols na ikinamatay na ngilan ang parusa. Bukod ang reports na marami ang namatay sa mga nabakunahan, walang assurance kung ligtas na sa covid ang vaccinatedat walang mananagot sa adverse effects. May mali nga ba sa sistema kabilang ang maling reports?
APRIL HEYDAYS
Happy birthday to RENZ SANTOS TALA, JOCELYN PENAFIEL,ALFRED DIRECTO, to Mam MA. DOLORES ELAMBRE, Mam MA. GLENDA A.MONTANEZ, ZAIDY K. REYES and Mam. BARBY S. LLEMOS all of Arellano Plaridel Campus. May you all be showered with blessings. HAPPYREADING!
The post PBA, atras muna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: