Facebook

Mabuti pa ang tambay may ayuda, ang nawalan ng trabaho nganga!

ITO ngayon ang pinag-uusapan ng netizens.

Kung sino pa raw ang mga tambay simula’t sapul ay ‘di nalalagpasan ng ayuda ng gobyerno. Pero silang mga nawalan ng trabaho simula nang pumutok ang pandemya ng coronavirus disease ay nganga, namamalimos nalang sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala. Wawa talaga!!!

Oo… marami akong kakilala na ganito ang kuwento. Hindi sila isinama sa listahan ng mga binibigyan ng ayuda dahil batid ng barangay na may mga trabaho sila. Oo! Noon may trabaho sila, nung walang pandemya!

Pero nagsara ang kanilang mga pinapasukan dahil nalugi sa panay lockdown at higit isang taon nang under quarantine ang bansa. Kaya nabibilang narin sila sa tambay ngayon, tapos nganga sa ayuda!

Sabi ng Department of Interior and Local Government (DILG), magreklamo lang sa DSWD kapag hindi nabibig-yan ng ayuda. Susme! Kahit naman magreklamo sa DSWD ay wala rin mangyayari, ituturo karin nila sa barangay.

At ang magiging rason lang ng barangay ay hindi sila kasama sa listahan dahil ang ginamit na listahan ay yaong sa Special Amelioration Program (SAP). Eh ang sa lista-han lang ng SAP ay yaong mga walang trabaho as in tambay! Hindi nga ba’t pati jeepney drivers ay ‘di kasama sa SAP list eh… dahil sa LTFRB o DOLE raw sila kasama.

Sa totoo lang.. napakagulo ng listahan ng mga binibigyan ng ayuda. Kung sino pa ang mga direktang taxpayers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ay sila pa ang nagmukhang pulubi ngayon, habang yaong mga tambay na ever since ay tamad magtrabaho ay sila pang busog sa ayuda sa panahong ito. Mismo!

***

May isang residente ng Quezon City ang nag-post ng kanyang natanggap na P1,000 cash ayuda mula sa gob-yerno.

Sabi niya, ano raw ba ang mangyayari sa P1K eh lima ang anak niya? Mabubuhay raw ba sila ng P1K sa 2 weeks lockdown at tila mae-extend uli?

Hmmm… dito kasi sa Manila, ang pamilya na may apat na miyembro pataas ay P4K ang binibigay.

Ang P1K ay para lang sa isang tao yan. Kung apat kayo sa pamilya, P4K dapat. Kung higit apat kayo sa pamilya, P4K parin. Maliwanag?

***

Kaya lang naman nagkakahitot-hitot ang pamamahagi ng ayuda ay kung tanga ang opisyal ng barangay at namumulitika pa.

Oo! Ito ang paulit-ulit kong sinasabi: Malaking problema ang barangay kapag tanga ang nahalal na tserman o kapitan. Mismo!

Ganito rin sa municipal. Kapag mahina ang kukute ng mayor, asahang walang developments na mangyayari sa bayan ninyo.

Lawakan pa natin, sa nasyunal… Kapag ang nahalal na presidente ay gago, asahang babagsak ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang nangyayari ngayon sa Pilipinas, napag-iiwanan na tayo ng mga karatig bansa na dating tumitingala sa atin.

Again, makakaahon lang tayo sa pandemyang ito sa 2022. Maghalal tayo ng matinong mga lider mula barangay hanggang presidente. Dapat!

The post Mabuti pa ang tambay may ayuda, ang nawalan ng trabaho nganga! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mabuti pa ang tambay may ayuda, ang nawalan ng trabaho nganga! Mabuti pa ang tambay may ayuda, ang nawalan ng trabaho nganga! Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.