KUNG kasama lang sa medal event ang larangan ng politika sa Olimpiyada,matagal na sanang nakakopo ng gintong medalya ang Pilipinas.
Mula nang umarangkada ang greatest sports show on earth na Olympics higit isang siglo na ang nakaraan kung saan ay kalahok na ang Pilipinas, di pa nanalo ng madulas na gold medal ang ating bansa. Ang pinakamalapit na nakamit na medalya ng ating mga Pinoy athletes ay silver medal kortesiya ni Onyok Velasco sa larangan ng boxing noong dekada ’90 at sa swimming noon pang peace time. May mga tanso na rin tayong napanalunan pero sadyang mailap ang gintong medalya sa kada-apat na taong Olipiyada.
Nagtutunggali sa paramihan ng Olympic medals noon ay ang mga superpower nations na USA,dating USSR,West at East Germany, European countries,malayong naghahabol ang Japan at South Korea sa Asia hanggang sa nagising ang higanteng dragon sa ating kontinente na China. Nagpokus ito sa sports bukod sa ekonomiya ,ngayon ay arch- rival na ng USA sa Olympic medal tally .
Ang siste,iyong mga ibang kapit-bansanating Vietnam,Indonesia,Thailand,Malaysia at Singapore pati na iyong ibang third world countries na Kenya at iba pang African countries ay nakakopo na ng medalyang GINTO. Pero ang ‘Pinas lagi pa ring luhaan kahit na suportado ng gobyerno ang Philippine sports. Masyadong superyor ba ang kalaban o inaalat lang talaga?
May pormula kasi iyong ibang bansa na sports identification tulad ng Kenya na nagpokus sa running dahil sa haba ng kanilang mga biyas at bulubunduking terrain ng lakad- takbo kahit sobrang init ng klima na tunay nga silang ‘ born to run’ .Ginto ang naging resulta.
Ang Singapore na napakaliit na bansa ay nag- focus sa aquatics sports..hayun may Olympic gold sila sa swimming. Gayundin sa Indonesia at Malaysia na magagaling sa badminton at table tennis kaya walang mintis ang gintong medalya sa Olimpiyada. Saan kaya tayo popokus para maging realidad ang ating ginintuang pangarap sa naturang quadrennial summer games?
Di naman tayo pupuwede sa paborito ng Pilipino na basketball na height is might.
May world class nga tayong manlalarong Pinoy sa billiards at bowling pero hindi ito kasama sa Olympic medal sports..Saklap talaga. Sa boxing, taekwondo,weightlifting ,gymnastics at ibang martial arts events ay may tsansa pa lalo sa Tokyo Olympics ngayong taon.Baka sakali. Sayang ,kung kasali sana sa Olympics ang larangan ng POLITICS,matagal na tayong nanalo ng gold medal. Ang galing sa Politika ng Pilipino ,lehitimo mang pulitiko,epalitiko o kupalitiko. Makapagbibigay sana sila ng elusive gold sa ating bayan lalo na iyong mga kupalitikong lahat na lang ng bagay ay pinulitika para sa sariling interes. Mula sa layuning patalsikin ang administrasyon, lasunin ang isip ng mamamayan at maghasik ng fake news para paigtingin ang kanilang layuning politikal tulad ng pagbitawin ang kasalukuyang Pangulo o mang-agaw ng trono.
Lahatin niyo ang mga bansa sa mundo,Pilipinas lang ang sobrang husay sa politika kaya sure gold na sana tayo kung kasama sa medal event ang POLITICS sa Olympics.ORO,PLATA,MATA!
Lowcut:”Please Join me and let us all welcome Ms LotTolico, as one of our honorary member of M24. She is presently the chairperson of Mrs Universe Philippines finest women and Mrs Philippines honourable Queens. She was also the former Mrs Universe Philippines title holder. Welcome to M24 – Sister LotTolico!”,M24 Builders of Guardians Canada ,USA and Philippines’Founder / Organizer (Bro) Doc Chito Collantes M24B1024.Mabuhay ang Kapatiran!
The post PH POLITICS AT OLYMPICS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: