Facebook

PH’s Napa second place sa sailing qualifiers

BUMAGSAK sa No.2 ang Filipina windsurfer Charizanne Napa sa RS:X womens class sa Mussanah Open Championship sa Oman,Martes.
Second place si Napa sa ninth race at pangatlo sa 10th para sa total na 14.0 net ponts matapos ang apat na araw na paligsahan sa Olympic qualifying event.
Singaporean Amanda Ng Ling Kai ang umagaw sa No. 1 spot ni Napa matapos mapagtagumpayan ang parehong rounds nitong Martes, Napanalunan rin ng Singaporean ang huling apat na rounds matapos ang mabagal na simula sa qualifiers.
Ganesh Ishwariya ng India pa rin ang nasa thitd place.
Tanging ang mananalo lang sa RS:X women’s class ang makakuha ng ticket para sa Tokyo Olympics.
Samantala, Yancy Kaibigan at two-time world champion Geylord Coveta ay kasalukuyang lumalaban pa sa RS:X men’s class.
Kaibigan ay nanateli sa ikalawang puwesto na may 27.0 net points,habang si Coveta ay bumaba sa Third na may 40.0 net points matapos manggaling sa second sa ninth round at nagwagi sa 10th.
Isa pang Filipino, Renz Angelo Amboy, ay nasa sixth place na may 53.0 net points.
Thailand.s Natthapong Phonoppharat ang malaking agwat sa men.s side na may 12.0 net points.
Gaya sa women’s side, tanging isang ticket para sa Tokyo Games ang nakataya sa men’s division.
Ayon sa Asian Sailing “ unpredictable winds” ang pinakamalaking epekto sa competitors nitong Martes.
“The day started well with clear skies and light winds but as the day progressed the winds dropped completely before changing direction, throwing many off course,” ayon sa ulat.

The post PH’s Napa second place sa sailing qualifiers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PH’s Napa second place sa sailing qualifiers PH’s Napa second place sa sailing qualifiers Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.