SINIMULAN nitong Miyerkules ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng emergency relief assistance mula sa Pamahalaang Nasyunal kung saan ang distribusyon nito ay batay sa nakatakdang prayoridad ng Joint Memorandum Circular No. 1 ng DSWD, DILG, at DND.
Ayon sa kautusan, unang makatatanggap ang Beneficiaries ng Social Amelioration Program sa ilalim ng Bayanihan Act 1 at karagdagang beneficiaries ng emergency subsidy batay sa Section 4, (f) 3 ng Bayanihan Act 2 ay ang mga SAP wait-listed beneficiaries.
Sinabi din ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na mabibigyan din ang mga kabilang sa vulnerable groups kagaya ng mga low-income individuals na walang kasama, PWDs, soloparents at iba pa;
Bukod ito, kasama din ang iba pang indibidwal na apektado ng ECQ na matutukoy ngLGU kung meron pang natitirang pondo.
Alinsunod sa direktiba ng pamahalaang nasyonal, ang emergency assistance ay nagkakahalaga ng P1,000 bawat tao ngunit hindi lalagpas sa P4,000 bawat pamilya na may apat na miyembro pataas.
“Lahat po na pondo na inilaan ng National government para sa mga Taguigenos ay ibibigay po natin dahil mas kailangan nila ang ayuda sa panahon ng pandemya,” ani Cayetano
Nabatid na ipapaskil sa bawat barangay website, barangay social media page at barangay hall ang listahan ng mga kwalipikadong benipisyaryo ng emergency relief assistance.
Kasunod nito, naghahanda na rin ang Taguig City government nang pamamahagi ng relief assistance sa mga barangay ng Ususan, Bambang,Katuparan, South Signal (April 10 ); Wawa Tanyag, Calzada, Central Bicutan (April 11 ); Bagumbayan, Sta. Ana, CentralSignal, Upper Bicutan (April 12 ); Lower Bicutan, Palingon, North Signal, Maharlika (April 13); Napindan, Hagonoy, Pinagsama, South Daang Hari (April 14); Ibayo, New Lower Bicutan at San Miguel (April 15 ). (Jojo Sadiwa)
The post EMERGENCY RELIEF ASSISTANCE, INUMPISAHAN NA SA TAGUIG CITY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: