Facebook

Tanggalin na sa PNP si Lt. Col. Marlo Solero

NAPAKATALAMAK ng iligal na sugal sa General Trias City, Cavite.

Hindi rin maipagkakailang matindi ang problema sa iligal na droga sa General Trias.

Ngunit, hindi nalutas ni Lt. Col. Marlo Solero ang sugal at droga sa General Trias habang siya ang pinuno ng pulisya ng naturang lungsod.

Pa-jueteng nga ni John Yap ay patuloy na namayagpag sa General Trias kahit napakatindi ng pananalasa ng coronavirus disease – 2019 (Covid – 19).

Pokaragat na ‘yan!

Pero, isang 28 taong -gulang na lumabag sa curfew ay dinakip ng kanyang mga tauhan.

Pokaragat na ‘yan!

Ayon sa ibinalitang impormasyon, si Darren Manaoag ay 300 beses na magpumping nitong Abril 1.

Pumping umano ang naging parusa kay Manaoag at iba pa na nahuli ng mga pulis ng General Trias na lumabag sa curfew sa panahong pinaiiral ang “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan at National Capital Region (NCR).

Si Manaoag ay bumili ng tubig kung saan inabot ng curfew sa daan, dahilan upang hulihin siya at parusahan ng 300 pumping.

Pagkaraan ng ilang araw, patay na si Manaoag.

Nang alamin ng media kay Solero ang insidente ay tahasang itinanggi nito na mayroong naganap na pumping.

Ang sabi ni Solero ay hindi pumping ang hatol ng kanyang liderato sa mga lumalabag sa mga protocol tungkol sa Covid – 19.

Matapos magsagawa ng direktang imbestigasyon si Colonel Marlon Santos, direktor ng Philippine national Police (PNP) sa buong Cavite ay tinanggal niya sa puwesto si Solero at dalawa pa nitong pulis.

Itinalaga muna si Solero at dalawa pa sa PNP – provincial headquarters sa Imus.

Grabe ang sinapit ni Manaoag.

Kahit si Solero at ang dalawang pulis ay hindi maitatangging grabe at napakasahol na pangyayari sa buhay ni Darren Manaoag na siya ay mamatay makaraang parusahan siya ng pulisya dahil lumabag siya sa ordinansa tungkol sa curfew.

Kung pinaliwanagan lang si Manaoag at iba pang curfew violator ay pihadong buhay si Manaoag at iba pang lumabag sa ordinansa ng General Trias.

Sa sinapit ni Manaoag, palagay ko hindi kalabisang tanggalin sa PNP si Lt. Col. Marlo Solero at dalawa pang pulis.

Hindi kailangang manatili sa PNP ang mga tulad ni Solero at iba pang pulis na katulad niya.

The post Tanggalin na sa PNP si Lt. Col. Marlo Solero appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tanggalin na sa PNP si Lt. Col. Marlo Solero Tanggalin na sa PNP si Lt. Col. Marlo Solero Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.