Facebook

Reklamo vs Chairman Linis ng Bgy. 598, Manila

Nagmamakaawa po kaming mga residente at humihingi ng tulong sa ating Mayor Isko Moreno na sana po ay pagsabihan ang aming chairman na si Lito Linis ng Bgy. 598 Damka st., Sta. Mesa, Manila, na huwag mamili ng bibigyan ng ayuda sa panahon ng pandemya
Mula po noong unang ayuda mula DSWD food box, ayuda mula sa ating lokal na pamahalaan, at SAP ay ‘di pa kami nakakatanggap dahil ang katuwiran ng mga opisyal ng Barangay 598 ay hindi raw kami botante sa lugar, pero kami po ay residente at household family na obligadong bigyan ng ayuda bawat pamilya alinsunod sa utos ni Mayor Isko.
Sana po, mga Sir, matulungan nyo kami mapaabot ang aming karaingan kay Mayor dahil ngayon ay ECQ na naman wala na po kaming trabaho. – Residente ng Bgy 598
(Editor: Chairman Linis, maliwanag ang order ni Mayor Isko at kahit ng DILG na botante o hindi basta nakatira sa barangay, dapat silang bigyan ng ayuda. Okey?)

Reklamo sa obstructions
sa Bgy. 345, Manila
Morning po. Reklamo ko po itong mga jeep na nakaparada sa bangketa malapit sa Batangas st. na may mga pangalan Nina Rose. May isa pa na wala nang makina, tinitirahan ng mag-asawang nanga2lakal, puro basura ang jeep, 844 number. Walang aksyon ang Bgy. 345 z.35. Ang baho daanan yan. ‘Di raw kayang paalisin ng bgy. ang nakatirang nangangalakal. Dapat DSWD na ang umaksyon at MTPB. Daanan yan, di garahe. Dun pa umiihi, dumudumi, ang baho tuloy. – Concerned citizen

The post Reklamo vs Chairman Linis ng Bgy. 598, Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Reklamo vs Chairman Linis ng Bgy. 598, Manila Reklamo vs Chairman Linis ng Bgy. 598, Manila Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.