Facebook

Planetang Mars extension na nga kaya ng mundo?

PITONG bilyon na ang tao sa mundo, at yan ay ayon sa pangtaya ng United Nations (UN). Kaya naman ang mga dalubhasa, lalo na ang mga pisiko o ‘physicist’ ay tiniitingnan na ang posibilidad na maging extension ng mundo ang planetang Mars.

Kaya nga iba’t ibang balita ang ating nasasagap galing sa NASA (National Aeronautic Space Administration) ng bansang America na maka-ilan nang nakagawa ng mga expedition o’ pagbiyahe sa kung tawagin ay planetang pula na Mars.

Bakit sila interesado sa planetang ito? Eh kasi nga,dumadami na tayo dito sa mundo. Sa kasisigaw na rin ng mga simbahan na humayo kayo at magparami, gaya ng gustong-gusto rin ng mga kapitalista sa daigdig na ito. Wala namang inilalahad na talagang agenda kung di ang sikretong paghahangad lamang na kumita at yumaman.

Ito ang dahilan ng mga pagsasaliksik sa planetang Mars. Dahil siguro ay nakikita nila ang unti-unting pagkasira ng mundo dala ng labis na populasyon ng tao at ang walang kapararakang pagluray ng tao sa mismo niyang kapaligiran.

Darating at darating talaga ang panahon na ang ating daigdig kapag di natin iningatan at naalagaan ay di na rin tayo kakayaning buhayin sa pamamagitan ng likas na yaman nitong ibinibigay sa sangkatauhan na wala namang ginawa kundi lapastanganin ang mga ito.

Ang mga misyon ng pagpapadala ng tao sa planetang Mars ang magdiditermina kung maari ngang mabuhay ang tao roon. At hindi magtatagal, malamang ay magkaroon na ng airport doon para sa mga ‘space ship’ o maaring sa kinatagalan ay pati na sa mga modernong eroplanong maiimbento para bumiyahe sa planetang pula.

Yaon ngang huling biyahe ng space ship na pinangalanang “Perseverance’s Mission” ayon sa mga dalubhasa ng NASA ay para maghanap ng mga senyales ng ‘microbial life” o buhay ng kahit na maliliit na bagay, at pagaralan ang kapaligiran nito, uri ng lupa, at uri na panahon noon pa at pangkasalukuyan, upang mabigyang daan pa ang ibang mission ng tao sa mga susunod na mga taon.

Mayroon ng ngang mga arkitekto na ambisyosong nagdedeseniyo na, ng isang siyudad na maaari raw tirahan ng 250,000 tao mula sa mundo.

At kung nanaisin mo raw mapabilang dito, kinakailangan mong magbayad ng $300,000 at makakatira ka sa sang 25 hanggang 35 metro kuwadradong matutuluyan na may kasama ng pagkain, life support o mga gamit para sa patuloy na pamumuhay sa planetang Mars.

Ngunit may kondisyon ito, na ang 50 hanggang 80 porsiyento mong ipamamalagi sa planeta ay gugulin mo sa pagtratrabaho na ibibigay sa iyo ng mga nagpapalakad ng siyudad sa Mars.

Sarap imaginin di ba? Pero bakit naiisip ang mga ganitong pagsasaliksik at mga planong makatira sa planetang pula?

Walang ibang dahilan bukod sa paghahanda, kung di ang pagsasawalang bahala ng tao sa mundo niyang ginagalawan. Ang patuloy na pagtatapon ng mga dumi sa karagatan at kagubatan maging sa mga kapatagan ay isa ng halimbawa. Di ba, kaya maraming nakukuhang hayop gaya ng mga balyena sa mga karagatan na namatay ay dahil sa pagkakakain ng maraming duming itinatapon ng mga tao sa karagatan?

Pag di tayo nagbago, di nga malayong maging extension ng mundo ang planetang Mars. Paano ka naman makakasamang makatira doon, kung wala ka namang pamasahe?

The post Planetang Mars extension na nga kaya ng mundo? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Planetang Mars extension na nga kaya ng mundo? Planetang Mars extension na nga kaya ng mundo? Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.