KUNG kailan nagluwag mula ECQ na naging MECQ ang NCR plus kahapon,magsasara naman ang dalawang pangunahing sports complex sa bansa dahil sa patuloy na alarma ng pandemya.
Inaprubahan na ng Malacanang ang hiling ng Philippine Sports Commission’s na magpatupad ng 10-workday lockdown simula ngayon April 13 matapos na abutin ng nasa 63 katao ang nagpositibo sa Covid 19 sa isinagawang round of testing.sa buong ahensiya.
Ang administrative offices na nasa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at Philsports Complex sa Pasig City ay sasailalim sa confinement habang isasagawa ang masusing disinfection at cleansing.
Nakipagpulong sa management committee ng PSC si Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr. mula pa noong holiday at weekends upang matiyak ang health safety protocols ng ahensiya
“It is for theirs and everyone’s safety. We all have a family to protect.”wika ni Iroy.
“The PSC’s office operations shall shift to work-from-home arrangements on those lockdown dates to ensure that delivery of service remains unhampered.”
Ang RMSC at Philsports ang kinatitirikan ng administration building ng PSC.
“We hope to break the transmission during those days, to arrest the spread of COVID-19 among our employees,” paliwanag ni Chief of Staff Marc Velasco at sinegurong nabibigyan ng instruksiyon ang mga pinuno ng mga tanggapan kaugnay ng work-from-home set-up.
“We are still waiting for some test results and we are hoping that we do not add any more positives, “ sambit ni Velasco na sinabing nasa 41 pa lang ang numero nang kanyang isinumite ang request sa Office of the President noong Biyernes.
“Executive Secretary Salvador Medialdea approved the request pursuant to Memorandum Circular 85 issued March 19, requiring government agencies to seek approval from the Office of the President before any lockdown is effected”.ani pa Velasco.(Danny Simon)
The post PSC lockdown, 63 kawani nag-positibo sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: