Facebook

Pulis nasawi nang maturukan ng Sinovac

NASAWI ang 50-anyos na police lieutenant mula sa Calabarzon ilang araw matapos mabakunahan ng unang dose ng Sinovac COVID-19 vaccine. Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga pulis na namatay simula nang lumaganap ang pandemya sa bansa.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service, nabakunahan ang pulis na may comorbidity ika-31 ng Marso, subalit kalauna’y nagpositibo sa COVID-19. Dinala ito sa isang ospital sa Batangas Abril 15.
Nakatakda sana itong sumailalim sa hemoperfusion nitong ika-28 ng Abril ngunit wala silang nakitang available na ospital sa Metro Manila at Calabarzon dahil puno na ang mga pasilidad.
“However, he was put on the waiting list for the said procedure,” sabi ng PNP Health Service.
Nitiong Abril 29 nang ideklara ng attending physician ng pulis ang pagpanaw nito.
Gayunman, hindi binanggit kung may kinalaman ang Sinovac sa pagkamatay ng pulis.
Sa kabuuang bilang ay 20,150 na ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa pulisya, kungsaan 1,722 ang active cases, mula sa 147 na huling nagpositibo. Tinatayang 18,372 naman ang mga nakarekober.

The post Pulis nasawi nang maturukan ng Sinovac appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis nasawi nang maturukan ng Sinovac Pulis nasawi nang maturukan ng Sinovac Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.