Facebook

MAG-INA NANG-HACK NG FB ACCOUNT AT NANGIKIL

ARESTADO ang mag-ina na sangkot sa pangha-hack ng social media account ng isang menor de edad sa Maynila.
Kinilala ang mga dinakip na si Maricar Sena, na nahuli sa isang entrapment operation; at anak nitong si Jingky Joy Sena, ang pangunahing target ng mga otoridad.
Sa report, kinikilan ng P10,000 ang biktima para hindi ipakalat ang maseselan nitong video.
Ayon sa National Bureau of Investigation, nagulat ang 17-anyos na biktima nang ma-hack ang kaniyang Facebook account noong April 8.
Kinalaunan, kinontak na siya ng mga suspek at hiningan ng P10,000 kapalit ng hindi pagpapakalat ng maseselan niyang video.
Humingi naman ng pasensya si Jingky Joy. Aniya, hindi niya alam kung bakit niya nagawa ang krimen.
Ayon naman kay Maricar, hindi niya alam na ang perang pinakukuha sa kaniya ng anak sa remittance center ay galing sa pangingikil.
(Jocelyn Domenden)

The post MAG-INA NANG-HACK NG FB ACCOUNT AT NANGIKIL appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAG-INA NANG-HACK NG FB ACCOUNT AT NANGIKIL MAG-INA NANG-HACK NG FB ACCOUNT AT NANGIKIL Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.