Facebook

Rapist huli sa Bataan

Makalipas ang halos isang taon na pagtatago sa batas nadakip na ng pinagsanib na puwersa ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Bulacan PNP at Abucay Police ang isang lalaki na wanted sa kaso ng Rape.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpt.Ernesto H Clemente-ll ng 3rd Platoon nang 1st PMFC, ganap 4:20 ng hapon ng arestuhin via warrant of arrest ang suspek.
Kinilala ang suspek na si Jhon Lloyd Arquilos Y Aliling, 19 anyos, binata, crew ng delivery truck, at residente ng Brgy. Mabatang sa bayan ng Abucay.
Bitbit ng mga pulis ang warrant sa kasong Rape na may cc no. 3508-M-2020 na inilabas ni Branch 13 Malolos Regional Trail Court Presiding Judge Efren B Tienzo nito lamang Hulyo 2020.
Nabatid na si Aquilos, ang itinuturong humalay sa isang dalaga sa syudad mg Meycauayan.
Samantala detenido ngayon ng suspek sa Camp Alejo detention cell kung saan walang piyansang inirekominda ang korte para sa kanyang kalayaan.(Thony D. Arcenal)

The post Rapist huli sa Bataan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rapist huli sa Bataan Rapist huli sa Bataan Reviewed by misfitgympal on Abril 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.