TATLONG national triathletes ang aalis sa kanya-kanyang training camps para sumabak sa Asian Championship na nakatakda sa Abril 24 to 25 sa Hatsukaichi,Japan.
Ang karera ay magsilbing Olympic qualifying event para sa Tokyo Games kung saan isang slot lang per gender.
Kim Mangrobang, Kim Remolino at Fernando Casares ay sisibat patungong Japan sa Abril 20 para magkaroon ng sapat na panahon para tumupad sa travel protocols at restrictions dulot ng pandemic.
Si Mangrobang ay manggagaling sa Desmor,Portugal kung saan siya kasalukuyang nag-eensayo sa ilalim ni coach Ani De Leon-Brown,
Ang Hatsukaichi ay lungsod sa Hiroshima. Ayon sa Johns Hopkins University CSSE COVID-19 data ay regular na updated. Hiroshima ay meron lang 156 active cases mula Marso 30 to Abril 12.
Race venues ay ang Hatsukaichi City Park Golf Course Offshore para sa swim leg,Hatsukaichi City Hall Area para sa bike at run legs, at ang Youme Town Hatsukaichi West Parking Lot ang finish line.
Paratriathlon at Elite Men at Women races ay gaganapin sa Abril 24, hiwalay sa Age Group race na gagawin sa Abril 25.
Bukod sa Asian Championship, ang 3 atleta ay lalahok rin sa ibat-ibang karera sa pag-asang makadagdag sa Olympic ranking points.
Sasabak rin si Casares sa karera sa Yokohama at Gamagori sa Japan sa Mayo at Hunyo,habang si Mangrobang ay may limang karera na nakapila sa susunod na buwan sa Northern Africa at Southern Europe.
Ilan pang sasalihan ni Manrobang ay ang World Cup sa Portugal sa Mayo 23, ang World Cup Sprint sa Italy sa Mayo 29, ang African Cup sa June 5 at dalawa pang pending events sa Mexico at Portugal.
Kumpiyansa si Triathlon Association of the Philippines (TRAP) President Tom Carrasco na nakapagpadala ang bansa ng unang triathlete sa Olympics ngayon taon.
Si Mangrobang 29, ay nagbulsa ng three gold medals sa Southeast Asian Games.
The post SEAG champ Mangrobang, Remolino, Casares sasabak sa Asian OQT appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: