Facebook

Tulak bulagta sa buy bust

Patay ang isang lalaki na tulak ng ipinagbabawal na droga, habang arestado ang 20 iba pa sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Bulacan.
Kinilala ni P/Col Lawrence B Cajipe ang napatay na suspek na si Esparo Dacanay alyas Nico, nasa hustong gulang sa bayan ng Marilao.
Sa ulat, nagsagawa ng buy bust ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Marilao pulis.
Ayon sa report, 10:35 ng gabi nitong Martes ng lumaban si Nico sa Looban 2, Brgy. Loma De Gato, sa nabangit na bayan.
Nakuha ng SOCO sa suspek ang isang cal.38 Smith and Wesson at 10 plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Samantala, arestado rin sa isinagawang buy bust operation sa bayan ng Angat, Bulakan, Marilao, Meycauayan, Obando at San Rafael ang 20 katao na kapwa sangkot sa illegal na droga.
Kinilala ang ilang mga nadakip na sina Crizette Hernandez ng Sta, Barabara, Baliwag, Darwin Reyes, Winona Reyes ng Maysantol, Bulakan, Mark Alvin Villanueva ng Sta. Cruz, Guiguinto, Marwin Vizconde, Jhon Ron Roa ng Binagbag, Jonel at Christian Cruz ng Banaban Angat, Richard Mabio ng Caingin, San Rafael, Jerwin Malanse ng Dulong Malabon, Pulilan at 10 iba pa.
Nakumpiska mula sa kanila ng 40 plastic sachets ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.
(Thony D. Arcenal)

The post Tulak bulagta sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tulak bulagta sa buy bust Tulak bulagta sa buy bust Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.