Facebook

Service crew naghahanap ng trabaho nabiktima ng ‘sextortion’

Hindi na nakapalag pa ang 24-anyos na gasoline boy nang arestuhin sa kasong pangingikil sa Pampanga.
Kinilala ang suspek na si Christian Timbang na hinuli ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) ng Police Regional Office 3 noong Martes.
Sa ulat, natuklasang gumamit ng 3 magkakaibang Facebook account si Timbang para alukin ng mapagkakakitaan ang 23-anyos nitong biktima na service crew sa isang fastfood restaurant.
“Nag-alok po ang suspek ng malaking suweldo sa victim, na nagkakahalaga ng P60,000 to P70,000 kapalit ng kanyang mga hubad na larawan. Nagtiwala naman ang victim sa suspek, dahil nangako po ang suspek na magiging sikreto ito at walang makakaalam,” ani Police Maj. Evangeline Geminiano ng RACU.
Pero hindi tinupad ng suspek ang ipinangakong pera sa biktima.
Sa halip, tinakot pa niya ito na ikakalat ang mga hubo’t hubad na larawan kung hindi ito makikipagtalik sa kaniya.
Sa itinalagang araw ng pagkikita ng dalawa, pumayag ang suspek na imbes na pakikipagtalik ay pera na lamang ang iaabot sa kanya ng biktima.
Dito na nakorner ng mga operatiba ang suspek.
Kasong Robbery Extortion Relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa laban kay Timbang.

The post Service crew naghahanap ng trabaho nabiktima ng ‘sextortion’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Service crew naghahanap ng trabaho nabiktima ng ‘sextortion’ Service crew naghahanap ng trabaho nabiktima ng ‘sextortion’ Reviewed by misfitgympal on Abril 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.