Facebook

Vlogger pinag-community service nang lumangoy sa fountain

DINAKIP ang isang vlogger nang lumangoy sa fountain ng Gaston Park sa Cagayan de Oro.
Kinilala ang inaresto na si Jeremy Hallazgo, 20 anyos, isang vlogger.
Sa ulat, pinatawan ng 4 araw na community service si Hallazgo nang mahuli na lumaLAngoy sa fountain ng Gaston Park, Linggo ng hapon.
Ayon sa report, ginawang swimming pool ni Hallazgo ang fountain habang suot ang pink na boxer shorts at vini-videohan ng kaniyang kasama.
Maraming tao ang namamasyal sa park sa oras na iyon at karamihan galing sa kalapit na simbahan.
Hinuli rin ang dalawang nagsilbing cameraman at editor ni Hallazgo.
Karamihan sa ginagawa ni Hallazgo para sa kaniyang vlog ang pagtupad ng mga hamon o request ng kaniyang followers.
Kakasuhan sana siya at ang kanyang mga kasama ng alarm at scandal ngunit pinatawad at inisyuhan nalang sila ng local government ng ordinance violation receipt at pinatawan ng community service.
Humingi ng tawad si Hallazgo. Nanawagan din siya na huwag siyang gayahin.

The post Vlogger pinag-community service nang lumangoy sa fountain appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Vlogger pinag-community service nang lumangoy sa fountain Vlogger pinag-community service nang lumangoy sa fountain Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.